I'M A Man
By: Assasinof Love
Hindi naman nakakilos si Mai sa biglang paghapit ni JM sa kanya at paghalik sa mismong kinatatayuan nila. Hindi niya inaasahan ang kapangahasan nito, pero aminin man niya o sa hindi ay talagang nasisiyahan siya.
Kinikilig naman ang ibang naroon at may pumalakpak pa sa nasaksihang halikan. Animo’y nanonood lang ng shooting ng isang pelikula.
Tinigil naman agad ni JM ang paghalik sabay hila kay Mai palabas, kumuway pa ang ilan na ginantihan ng nakangiting si JM.
"Sasama ka rin pala pinatagal mo pa naging instant celebrity tuloy tayo," nakangising ani ni JM ng makapasok na sila sa sasakyan niya.
"Hoy Ab---"
"Sige ituloy mo at hindi lang halik ang gagawin ko," pananakot muli nito.
"Ano bang nakain mo at naging ulyanin ka na?" inis na sabi nalang ni Mai. Kahit papano ay nangangamba rin siya at baka bibigay na rin siya kung may gagawin ito sa kanya.
"Bakit? May hindi ba ako natatandaan na sinabi mo at nasabi mong ulyanin ako?"
"Hindi ba't ayaw mo naman talaga sa akin, ngayon na binigay ko na ang kalayaan mo, ayaw mo naman, ano bang gusto mo ha? Pwede ba doon ka na sa malandi mong girlfriend mangulit, 'wag sa akin"
"Kailan ko naman sinabi na hindi kita gusto?Nagseselos ka ba?" nakangiting tanong ni JM.
"At bakit ako magseselos, hoy abnormal kahit hindi mo sabihin makikita sa kilos mo na hindi mo naman talaga ako gusto at ramdam ko din iyon, sobra nga ang pag-ayaw mo sa kasal," may pait naman na sabi ni Mai.
"Malapit na pala tayo, syanga pala sa inyo kami mag di-dinner sinabi ba nina tito sa'yo?" pag-iiba ni JM ng usapan. Ayaw na muna niyang salubungin ang galit nito dahil wala rin siyang mapapala kahit anong paliwanag ang gawin niya.
Hindi naman kumibo si Mai bumaba nalang siya at pumasok na ng bahay.
"Nandito na pala kayo, mag dinner na muna tayo bago pag-usapan ang preparasyon ng kasal nin---"
"A-ano pong kasal?" nagtatakang tanong ni Mai na hindi na pinatapos ang ama sa sasabihin nito ng marinig ang salitang kasal.
"Bakit iha, hindi pa ba sinabi ni JM na matutuloy na ang kasal ninyo?" nagtataka ring tanong ng ama ni JM at napalingon pa ito sa anak.
Inis namang binalingan ng dalaga si JM.
"Pumapayag na ako, matutuloy na ang kasal natin," relax na wika ni JM.
"No! Kung pumapayag ka, ako hindi, ayaw ko pong magpakasal!" pag-ayaw naman ni Mai na naniningkit ang mata na nakatingin sa binata.
"Naku, ano ba ang nangyayari sa inyo ha?" nagugulahan na tanong naman ng Mama ni Mai.
"Kayo ba ay may tampuhan na naman ha? Pwede bang mag-usap na nga muna kayo!" ani naman ng mama ni JM.
"Basta po tuloy ang kasal!" pinal na ani ni JM.
"Nababaliw ka na ba talaga ha?" inis na hinarap niya ang binatang kalmado lang.
"Anak, mag-usap muna kayong maigi, sige doon muna kayo sa kwarto mo!"
Mabilis na tumalikod ang dalaga at dere-deretsong sa silid niya.
"Daddy, mommy, tito, tita tuloy po ang kasal" si JM.
"JM anak mag---“
"May nangyari na po sa amin kaya kailangan po matuloy na ang kasal" wika ni JM na nagpalaki ng mga mata ng kani-kanilang magulang lalo na kay Mai. Napahinto siya sa pagbukas ng pinto sa narinig.
"Ano bang kalokohan ang pinagsasabi mo ha?" galit na sita niya sa binata ng makapasok na sila sa kwarto niya.
"Kapag umayaw ka sa kasal natin talagang mangyayari ang sinabi ko kani-kanina lang dito mismo sa kwarto mo," pananakot naman ni JM na unti-unting lumalapit sa dalaga.
"Huwag kang lumapit at hindi lang kalmot ang aabutin mo," pananakot naman ng dalaga pero wala sobrang kinabahan naman siya.
"Huwag ka na mag-inarte diyan kahit anong gawin ko sa'yo ngayon, gagawin pa rin naman natin kapag mag-asawa na tayo," nakangisi pang pang-aasar ni JM.
"Alam mo , ikaw abnormal ka talaga bakit ka pa ba naghahabol sa akin eh andiyan naman ang girlfriend mong malandi, doon ka na nga!"
"Bakit nga ba? Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin makuha bakit nandito ako sa harapan mo? "
"Whatever! I don't care!"
" Dahil mahal na kita my aggressive girl! I love you!" deretsong wika ni JM.
Hindi naman makapaniwala si Mai sa narinig, nawindang sandali ang utak niya. Hindi siya makakilos sa kinatatayuan at pilit na ina-absurd ang narinig kung totoo ngang may narinig siya. "A-ano a-ang sinasabi mo?" paniniguro ni Maitha na napaupo sa kama niya.
Lalo namang lumapit si JM sa harapan niya, napaatras ang katawan niya dahil sa lapit nila sa isa't isa. Napaupo siya sa kama niya samantalang nakatayo naman si JM sa harapan.
"Hindi mo talaga narinig ang sinasabi ko o gusto mo lang ulit-ulitin ko?"nakangiting tanong ni JM sa may punong tainga niya na nagpatindig ng kanyang balahibo.
"Lumayo layo ka nga!" tulak ni Mai sa malapad na katawan ni JM pero hindi naman nagpatinag ang binata at lalo lang inilapit ang katawan niya kaya napahiga ng tuluyan si Mai na nakalaylay ang paa niya.
"I Love You, Maitha Mendez! " seryosong wika ni JM sabay halik sa nakangangang dalaga.
Wala nang nagawa pa ang dalaga kundi ang hayaan ang binata hanggang lumalim ng lumalim ang halikan nila. At nagsisimula nang maglikot ang mga kamay ni JM.
"Ooooopppppssss...sandali! " kinakapos sa hiningang awat ni Mai na itinulak ang binata.
"Hanggang ngayon bibitinin mo pa rin ako?" nakasimangot na reklamo ni JM.
"How about Joanna?" nakasimangot rin na balik tanong ni Mai.
"She is just my past but you are my present and my future, can we continue now?" wika ni JM at akmang hahalikan na naman si Mai.
"Talaga bang mahal mo na ako?" paniniguro ng dalaga.
"Yes, hindi ako magpapapikot sa'yo kung hindi kita mahal."
"Aba! Haaa...ako pa ngayon ang namimikot?"
"Pssss, huwag ka na maingay pahalik nalang."
"Ooopppsss… kasal muna bago mo ako manyakin okay?"
"Pagkatapos ng kasal babayaran mo ang lahat ng pahirap mo sa akin," nakasimangot pa ring sabi ng binata na tinawanan lang ng dalaga.
"Tara na nga at baka ano pa isipin nila."
"Wait! One more please."
"Nope, baka hindi mo na mapigilan ang kamanyakan mo ma rape mo pa ako." pang-aasar ni Mai na agad bumangon.
"Rape with consent?" tanong naman ni JM at hinalikang muli ang dalaga.
"I Love You!" madamdaming wika uli ni JM pagkatapos bitiwan ang labi ng dalaga.
"I love you more! " sagot ng dalaga at siya na ang kusang humalik sa binata at yumakap ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
I'M A MAN
RomanceI'M A MAN By: Assasinof Love Maitha Mendez. The university’s pride. Kilala sa kanyang katalinuhan at pagiging humble. Sikat man siya at tinitingala ay nanatiling tahimik at simple. Nais lang niya ang makapagtapos ng pag-aaral ng maayos. John Michae...