I'M A Man
By:Assasinof LoveHiyang hiya si Mai sa nangyari kaya hindi na siya nakatulog pang muli, hindi rin siya makalabas dahil dinig na dinig niya ang tawanan sa labas, alam niyang nandoon pa rin ang binata.
Hindi matigil-tigil sa pagtawa ang mag asawa sa reaksyon ng anak, maging si JM pero nagpipigil lang siya.
“Pasensya ka na JM, nakasanayan na kasi ni Mai na kapag nagising pumupunta talaga ‘yan dito sa sala at matulog muli after 30 mins pa bago tuluyang magising," natatawang paliwanag ng papa Rene ni Mai."Ma, Pa anong nangyari bakit parang sumisigaw si Mai?"napalabas naman si Meynard ng marinig ang pagsigaw ng kapatid.
"Wala anak, may nakita kasi," makahulugang ani ng mama nila.
"Oh JM, nandito ka pala? Ah, siguro lumabas si Mai ano?" natatawa namang tanong ni Meynard. Nahuhulaan na niya ang dahilan ng pagsigaw ng kapatid.
"Magandang umaga bro, may idinaan lang ako kay tito."
"Almusal muna tayo, bago ka umuwi."
Hindi naman makatanggi ang binata sa pangungulit ng pamilya Mendez kaya pinagbigyan na niya at nakikain na.
Nakakain na sila pero ‘di pa rin lumalabas si Mai. Talagang ayaw niyang makita si JM sa labas at nahihiya talaga siya. Palakad-lakad lang siya sa kanyang kwarto at minsan ay napapasabunot sa kanyang buhok. “Hayy naku! Maitha napaka careless mo talaga,” sita niya sa sarili
Kinalunesan ay inagahan ni Mai ang pagpasok para ‘di maabutan ni JM. Ayaw na muna niya itong makita at makasama sa sasakyan.
"Oh JM! Hindi ka ba tinawagan ni Mai?"tanong ni Meynard ng mabungaran siya sa labas.
"Hindi naman, bakit?" naguguluhang ani nito.
"Ah, nauna na siyang pumasok ah, hindi nga nagpaalam sa amin, nag-iwan lang ng note na may tatapusin daw."
Napangiti naman si JM sa naisip,sigurado siya na nahiya si Mai kaya ayaw magpakita sa kanya. “Well ikaw ang unang lumapit sa akin at nanggulo kaya hindi ka pwede umayaw nalang basta, may pahalik halik ka pa” ani ni JM sa sarili at nagpaalam na kay Meynard na aalis nalang.
“Hi musta?sna tnawagan mo ko at ng inagahan ko pagsundo sa'yo,” text ni JM kay Mai.
"Grrr...feeling naman eh ayaw na ayaw nga niya baka nagpakasaya na siya ngayon ah," sambit ni Mai sa sarili.
“cge antayin nlng kta mmaya uwian..bye mwuah,”text uli ni JM dahil hindi siya nereplayan.
"Huh? May pa mwuah mwuah pang nalalaman, tssee,"inis na sabi ni Mai ng mabasa uli ang text.
"Sino kaaway mo Mai at nakasimangot ka dyan?”tanong ni Meynard ng madaanan ang kapatid.
"A-ah h-ha, ah wala kuya may na wrong sent lang," kaila niya sa kapatid at agad kinalkal ang mga files sa harapan.
Mag aalasingko na ay hindi na mapakali si Mai, hindi pa siya handa na humarap kay JM kaya tinext nalang niya ito na ‘wag na siya hintayin at marami pa siyang kailangang tapusin.
“Hmp...tatapusin, wala namang rush ah?” napakunot noong tanong ni JM sa isip.
Wala namang ginawa si Mai kundi ang magpalipat lipat ng computer at kung anu-ano lang ang ginagawa. Basta gusto niyang magtagal sa loob ng opisina.
"So, kailan pa naging kailangan sa Marketing ang paglalaro ng Candy Crush Saga?" biglang wika ni JM sa likuran ni Mai.
"Waaahhhh...ano ka ba, papatayin mo ba ako sa nerbyos?" inis na turan ni Mai sa sobrang pagkagulat.
BINABASA MO ANG
I'M A MAN
RomanceI'M A MAN By: Assasinof Love Maitha Mendez. The university’s pride. Kilala sa kanyang katalinuhan at pagiging humble. Sikat man siya at tinitingala ay nanatiling tahimik at simple. Nais lang niya ang makapagtapos ng pag-aaral ng maayos. John Michae...