Chapter Two

29 2 0
                                    

   Habang naglalakad si Candy pauwi sa kanyang condo ay namalayan niyang may sumusunod sa kanya. Mabilis siyang lumingon sa kanyang likoran at nanglaki ang mga mata ng makompirma ang hinala. Bigla siyang kinabahan. Sa kaalaman niyang delikadong dumaan sa lugar nayon dahil sa madilim at walang kabahayan doon. Tanging malalaking pader lang na pinasadyang ipatayo ang nasa gilid niya.

   Mas binilisan niya ang mga hakbang ng maramdamang mas malapit na ang mga taong sumusunod sa kanya. Lalo siyang kinabahan. Dalawa lang ang nakita niya ng lingonin niya ang mga ito pero sa kaalamang babae lang siya at lalaki ang mga ito ay parang gustong manginig ng mga tuhod niya.

   Nakahinga siya ng maluwag nang maaninag niya ang coffee shop na ilang metro lang ang layo mula sa building ng kanyang condo. Mapapangiti na sana siya ng may humawak sa kanyang braso. Dahan dahan siyang lumingon sa nagmamay-ari ng maduming kamay na humawak sa kanya.

   "Hi miss byutipul!" Anang lalaki. Namilog ang mata niya ng mabistahan ang mukha nito. Mukha itong demunyong hinukay galing sa lupa. Yuck! Ewww! Okay lang sana kung panget lang. Kaso, Ang baho pa ng hininga! Bwisit! Mura niya sa isip. Pilit niyang tinatanggal ang kamay nito sa kanyang braso ngunit sadyang malakas ito. naamoy niya ang hininga nitong mabaho na, e amoy alak pa."A-anong kailangan niyo? K-kung h-holp uper kayo. W-wala akong pera." Nauutal niyang tanong. Pero duda siyang pera ang kailangan ng mga ito.

   Nagtawanan at nagkatinginan ang mga ito. "Hindi pera ang gusto namin miss, kundi ikaw." Ngingisi-ngisi nitong sabi. "Parang ang sarap mo kase eh. Ang ganda-ganda at ang kinis ng balat mo." Dagdag pa ng manyak na lalaki habang parang hinuhubaran siya ng tingin.

Tila kinilabutan siya sa narinig. Nanginig ang tuhod niya at bigla siyang pinagpawisan ng malamig.
  "N-naku kuya. K-kung alam niyo lang. H-hindi po ako masarap. S-sa katunayan nga po e, h-hindi ako babae. T-transgender ako. A-at talagang magsisisi k-kayo kung g-gagawin niyo sakin ang binabalak niyo." Pati boses ni Ellie ay nanginig narin sa takot na nararamdaman.

   Mas lalo lang siyang pinagtawanan ng mga hinayupak na manyak na nasa harapan niya. "Okay lang miss, kahit na hindi ka totoong babae. Maganda ka naman kaya solb na saming matikman ka." Nakangising dinilaan ng isang lalaki ang ibabang labi nito.

   Nagimbal siya sa ginawa nito. Lord please help! Nang akmang hahalikan na siya ng lalaking nakahawak sa kanyang braso ay dali niya itong sinipa sa kung saan ang pinakamasakit na parte ng katawan nito.Pagkatapos nitong mabitawan ang kanyang braso ay mabilis siyang kumaripas ng takbo.

   "Humanda ka kapag naabutan ka namin!" Rinig niyang gigil nitong sabi. At dahil sa sinabi nito ay nakaisip siyang humingi ng saklolo.

   "Tulong! Tulong! May humahabol saking rapists! Tulong!" Nagsisisigaw siya ng malapit na siyang makarating sa coffee shop. Hindi naman siya nabigo dahil maraming napatingin sa direksyon niya. At nagpasalamat siya ng makitang may dalawang pulis siyang pwedeng hingan ng tulong.

I love you.... When Your Eyes Met MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon