Chapter Six

17 2 0
                                    

      Kunot noo siya nitong tininganan."Why?" Taka nitong tanong. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang ibig sabihin ng tanong nito. Kung nagtanong ba ito kung bakit siya nanghalik nalang ng basta-basta o kung bakit niya ito itinulak.

   "S-sorry.. G-gusto lang naman kitang pigilang dahil gusto mo akong ibigay sa mga mukong nayon eh. I'm sorry talaga mister." Pagmamakaawa niya. That was a lame reason. Baka akalain pa nitong gusto niya talaga itong halikan.  Nakahinga siya ng maluwag ng hindi na niya makita ang mga sumusunod sa kanya. Ganon siya nalunod sa halik nito. Nakalimutan pa yata niyang may humahabol sa kanya.

   Matagal bago sumagot ang lalaki. Nakatitig lang ito sa kanya. Titig na parang kumikilatis? She saw amusement in his eyes. Siguro ay pinagtatawanan na siya nito sa isip. Baka isipin nitong nababaliw na siya!

   Maya-maya pa ay nagsalita ito. "At bakit ka nila hinahabol? Did you do something very bad?" Anito sa nang-uuyam na tinig. Bumaba pa ang tingin nito sa kanyang labi na kanina lang ay sakop nito.

   "W-wala 'no! A-anong tingin mo sakin masamang babae?" Bakit ba ganito nalang makatitig ang isang ito? Parang gusto siyang kainin ng buhay. Nagtaka kapa! Eh hinalikan mo kaya siya! At syempre dahil lalaki siya at nabitin siya sa 'laro' nila ng babae kanina eh ikaw ngayon ang lalapain niya! Parang nahintakutan naman siya sa naisip. Namilog ang kanyang mata. Hindi niya rin namalayang nakalipat na pala ito sa driver's seat.

   "H-hoy! S-san mo'ko dadalhin?"  Baka isa itong sex manyak o kidnapper! At patayin nalang siya bigla at kuwanin ang kanyang internal organs sa katawan at ibinta sa mga sendikato! O baka membro talaga ito ng sendikato! Dahil sa naisip ay nagpanic siya.

   Ngayon ka pa magpapanic eh, hinalikan mo nga yan kanina? Hmp! Maktol ng isang bahagi ng isip niya.

   "Kailangan mong mag explain sakin kung bakit ka hinahabol ng mga lalaki kanina. And I think this isn't the right place to explain. We need to find somewhere.." Ibinitin nito ang sasabihin. Itinuon na nito ang tingin sa daan dahil nakalabas na sila sa parking area.

   "Somewhere what?" Takang tanong niya.

   "Somewhere public. Baka kase kung ano pang magawa ko sayo knowing na madilim ang lugar na'yon." Makahulogan pa itong ngumuisi. Parang may inaalala.

   "Tss. What a perv! Kung may ibang choice lang sana ako. I won't kiss you no!" Pairap niyang bara dito. Nakakainis kasing pinapaalala pa nito ang istupidang nagawa niya!

   Tumaas ang kilay nito. Pero hindi na naman nagsalita. Huminto sila sa tapat ng isang restaurant. "I'm hungry. Let's eat and talk about your punishment inside." Mataman siya nitong tiningnan bago bumaba.

   Siya naman ay napanganga sa sinabi nito. Anong parusa ang sinasabi ng kumag nayon? Pero sa halip na tumakas ay sumunod siya dito. After all. Nakatulong parin ito sa kanya. Tinanggal niya ang cap at salamin niyang isinuot niya kanina matapos ang 'kissing scene' nila ng lalaki. Hinubad niya rin ang suot na jacket. Siguro naman ay hindi na nakasunod ang mga BG ng Daddy niya.

   Nang makapasok sa loob ay hinagilap ng mata niya ang lalaki base sa suot nitong damit. He's wearing a corporate attire. Halatang galing pa ito sa opisina. Halatang hindi lang ito isang simpleng empleyado. Mukha pa nga itong CEO ng isang kompanya. Ng makita niya ito ay agad siyang natigilan. Nagtama ang kanilang mga mata. Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan. He has a deep set of brown eyes. Na kapag tumitig ka ay parang malulunod ka sa lalim  niyon. Matangos din ang ilong nito na binagayan ng manipis at mapulang mga labi. He's jawline is almost perfect. Malaki din ang pangangatawan nito na sure siyang alaga sa ehersisyo. Napakurap-kurap si Ellie. Ang layo nito mula sa kanya pero ang linaw ng mata niyang idescribe ang lalaki.

   Ang landi lang ng peg teh?

I love you.... When Your Eyes Met MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon