Chapter Five

20 4 0
                                    

   "Oh My God!" Hindi nakapagpigil na bulalas ni Ellie.

   Taranta namang napatingin sa kanya ang babae at mabilis na bumaba mula sa kandungan ng lalaking kung hindi pa siya napabulalas ay kaniig na sana nito. Dali-dali nitong sinapo ang dib-dib.
   "Who the hell are you?" Sabay pa talagang tanong ng mga ito sa kanya.

   Namutla naman siya sa naging tanong ng mga ito. Naku! Anong gagawin niya? Napatingin siya sa labas ng sasakyan at pakiramdam niya ay mas maputla pa siya sa intermediate na papael! Papalapit sa kinaruruonan ng kotse ang mga letsing lalaking hunahabol sa kanya! Napatingin ulit siya sa dalawang kasama sa loob ng sasakyan."A...Eh.." Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito. Hindi niya gaanong maaninag ang mukha ng dalawa dahil medyo madilim sa loob ng kotse. Ng tumingin siya sa labas ay gusto niyang maihi nalang!

   Hanggang sa isang ideya ang pumasok sa kanyang utak."I-im his wife!" Aniya at itinuro ang lalaking ni pangalan ay hindi niya alam! Namilog ang mata ng babaeng katabi nito.

   "Is it true Clowdee? She's your wife?" Galit na tanong ng babae dito.

   "Jade n—.."
   Hindi niya ito pinatapos sa sasabihin nito. Patay siya pagnagkataon!"Oo totoo ang sinasabi ko! Kaya lumayas ka sa harapan namin at baka ipakulong ko pa kayong dalawa!" Kunway galit niyang singhal sa mga ito."At ikaw naman! Kaya pala hindi kana umuuwi ng bahay ay dahil may kabit kana naman! Pano pag nahawa siya ng HIV mo gaya ng nangyari sa akin?" Nagmistola iyong hudyat para sa babae upang lumayas. Mabilis nitong naayos ang sarili at sinampal ang lalaking Clowdee pala ang pangalan.

   "How dare you! Hahawaan mo pa talaga ako ng sakit mo!" At tsaka ito mabilis na lumabas sa kotse.

   Tila tulala parin ang lalaki sa nangyayari. Ilang sigundo itong hindi gumalaw. Ni pagkurap ay hindi nito magawa. Nang mahimasmasan ay tumingin nito sa kanya. Kunot na kunot ang noo.Bakas ang pagkabigla at galit sa mga mata nito.

   "What the fuck was that miss? Are you crazy?" Sapo ito ang pisnging nasampal na ngayon lang naramdaman ang pagsakit.

   "I-im sorry. I-i just got panic!" Rason pa niya. Nakakatakot ang paraan ng pagtitig nito sa kanya.

   "Panic? You ruined the moment! At bakit kaba pumapasok sa kotse ng may kotse? Gusto mo bang ipapulis kita ha?" Umuusok na yata ang ilong nito.

   "N-naku, wag naman mister! Maawa ka naman! M-may humahabol lang kase sakin kaya ko Nagawang pumasok sa kotse mo." Pagmamakaawa ni Ellie sa estranghero.

   Napatingin ito sa labas kung saan siya kanina pa na tumitingin."Sila ba humahabol sayo?" Kunot noo paring tanong nito.

   Tanging tango nalang ang naisagot niya.

   "Well, I think it's my turn of ruining your moment miss crazy." Anito at lumabas ng kotse. Binuksan nito ang backseat. Napaurong siya sa kabilang bahagi ng kotse dahil alam niyang hihilain siya nito palabas kaya wala itong choice kundi ang pumasok para maabot siya. Mas lalo pa yata itong nagalit dahil sa pagbuga nito ng hangin."Talagang ginagalit mo ako." He said angrily.
   "Please Mister. Wag mo akong ibigay sa mga yan." Pagmamakaawa niya dito

   "No."

   Ramdam niyang palapit na ng palapit ang mga lalaking sumusunod sa kanya kaya wala siya nagawa kundi gawin ang naisip. She kissed him!

   Walang pag-aalinlangan niya itong sinunggaban ng halik habang ang dalawa niyang kamay ay nakasapo sa ulo nito upang hindi ito makawala. She close her eyes. Alam niyang nakakahiya pero no choice siya. Kapag hindi niya ito hinalikan ay tiyak na ibibigay siya nito.
  It wasn't her first kiss pero kakaiba ang halik na pinagsasalohan nila ngayon ng estranghero. It was like a magic. Ni hindi nga niya ito kilala pero nararamdaman niya ang sensasyong dulot ng mga labi nito sa kanya.

   Maya maya pa ay naramdaman niyang tumugon ang lalaki sa kanyang halik. Naging mas mapusok ito. Mapaghanap. Tinanggal pa nito ang sumbrero at salamin niya sa mata para mas lalo pang madama ng mga labi nito ang sa  kanya.

   He moaned.

   Nang mapansin niya ang kamay nito sa kaliwa niyang dib-dib ay tsaka pa siya natauhan. Itinulak niya ito ng malakas.

  

I love you.... When Your Eyes Met MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon