Chapter Eight

18 1 0
                                    

   Ellie tried harder not to roll her eyes in front of this man. Gusto niya rin itong pagtaasan ng kilay at sabihing wala itong karapatang utus-utosan siya dahil nga sa sinabi nitong hindi sila magkakilala. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang gusto niya ring maging asawa nito kahit na kunwarian lang.
   What the heck are you thingking about Elliery?
   
    Muli niyang pinasadahan ito ng tingin. Gwapo talaga ito lalo na sa malapitan. Hindi niya tipo ang mga lalaking may strict and intimidating aura pero iba ang lalaking ito. Parang sa kabila ng pagiging suplado looking kase nga mukhang ipinanganak itong pasan ang mundo dahil sa palagi itong nakakunot noo o kaya'y seryuso ay may kakaiba parin itong aura na hindi niya mapangalanan. At Curious siya kung ano iyon.

   "O-okay sige..H-hanggang kailan mo ako balak maging fake wife?" Diretsang tanong niya dito. There's no sense of her to against his will. Alam niyang hindi siya mananalo sa kumag na ito.

   "Hanggang kailan ko gusto."

   Hindi na niya napigipan ang pagtaas ng isang kilay. "Wow ha. Parang ang dali dali lang ng pinapagawa mo sakin."

   "I don't need to argue with you." Matigas nitong saad.

   Tumiim ang bagang ni Ellie. Bossy rin pala talaga ang damuhong ito. Confident sa sarili. Porque pumayag na siyang maging "asawa" nito.

   "I don't have time for this little missy.. I'm a very busy person and it's not my priority to argue and talk with anyone." Bumuntong hininga ito na parang nahihirapan. "Just give me your number so I can call you whenever I need you." Utos pa nito.

   She tsked. "Demanding." Mahinang usal ni Ellie. Pero hindi parin napigilan ang sariling hingin ang Cellphone ng lalaki. Iniabot naman agad nito sa kanya ang hinihingi. Idenial na niya ang numero ng kanyang CP. "Oh. Ikaw na ang bahalang maglagay ng pangalan diyan. Total ikaw naman ang nakaisip ng magandang ideya sating dalawa." Sarkastiko niyang sabi at inismiran ang lalaki.

   Tumaas lang ang kilay nito at kinuha ang Cellphone mula sa kanyang kamay. Maya maya ay tumayo ito at nag-iwan ng One thouwand peso bill sa lamisa. "I'll bring you home." Anito at walang babalang naglakad palabas ng  restaurant.

   Napapailing na sinundan na lang niya ito. Talagang masama ang ugali ng kumag. Matutuwa na sana siya ng magpresenta itong ihatid siya pero nawala iyon ng walang paalam itong lumabas. Ang sarap batukan kung Hindu lang talaga ito gwapo. Naku! Ang sarap  sabunotan sa buhok!

   "Hurry up! You're wasting my precious time!" Sigaw nito na nakaibis pa sa kotse.

   "Nandyan na! Hindi mo kailangang sumigaw okay!" Pinanlakhan niya ito ng mata ng makapasok na siya sa  ng sasakyan nito.

   "Don't look at me with that big eyes of yours. Baka gusto mong ibalik kita sa condominium building at ibigay sa mga humahabol sa'yo kanina?" Banta nito.

   Agad naman siyang naalarma sa sinabi nito. Itinuon na lamang niya ang atensyon sa labas ng bintana ng sasakyan.

   "Which way?" Maya maya'y tanong nito.

   "Kanan. At pagkatapos. Ipasok mo sa unang Subdivision na madaanan natin."Walang ganang sagot niya. Kila Candy muna siya tutuloy. Tiyak na naroon parin ang mga tauhan ng Ama niya at nakabantay sa kanyang unit. Okay lang naman siya sa bahay nila Candy at ilang beses narin siyang nakatulog roon at mabait naman ang mga magulang nito.

   "Dito nalang." Aniya ng makaraating na sila sa tapat ng bahay ng kaibigan."Salamat." Kahit na labag sa loob ay ngumiti siya dito.

  Tumango lang ito. "I'll call you."
Pahabol pa nito ng makababa na siya sa sasakyan nito bago pinasibad paalis ang kotse.

I love you.... When Your Eyes Met MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon