Chapter Eleven

16 2 0
                                    

   "O ayan. Ang ganda-ganda mo na! Bagay na bagay talaga ang damit sa iyo bruha ka! Nagmukha kanang diyosa lalo!" Bulalas ni Candy matapos siyang make-upan nito.

   Nginitian lang niya ang kaibigan bago tiningnan ang sarili sa full length mirror sa kwarto nito. Simple lang naman ang ayos niya. Light make up lang ang ipinalagay niya kay Candy sa kanyang mukha. Hindi niya gustong magmukhang pininturahan ang mukha sa harap ni Clowdee at ng mga kabatch mate nito. Simplicity is always be a beauty, ika nga. Ang buhok niya na hanggang beywang ang haba ay inilugay lang but Candy curled the tips of her hair. Ayaw niya sanang pumayag kase hindi niya gustong pinapakialaman ang buhok niya. Pero sa pamimilik ng kaibigan ay napapayag siya nito. Ang sabi nito ay mas maganda kung kulot daw ang dulo ng buhok niya para maiba naman. At hindi naman naging masama ang resulta ng ginawa nito. She liked it.

   "Siguaradong luluwa ang mata ng Clowdee na'yon Ell. Mawawala ang pagiging masungit niya kapag nakita ka niya." Malaki ang ngiti sa mga labing sabi pa ni Candy.

   Pero duda siyang ganoon ang magiging reaksyon ng lalaki. Mukhang ang katulad niyang simple lang ay hindi papasa dito. Hindi ang tulad niyang babae ang tipo nito. Pero bakit parang disappointed ka, bruha? Panunudyo ng kanyang isip.

   "Duhh.. Hindi ako naniniwala diyan sa sinasabi mo Candy. Hindi na magbabago ang pagiging masungit at demanding ng lalaking 'yon!" Nakaismid na sabi niya. "Mabuti pa ay bumaba na tayo." Aya nalang niya dito.

   "Pero ang sabi mo ay gwapo si Clowdee kahit na masungit siya?"

   Sa naging tanong nito ay napalingon siya sa kaibigan."Did I just said that?" Wala kasi siyang maalalang sinabi niya iyon dito.

   "Yeah. Kaya nga gusto ko siyang makita eh. Susunduin kaba niya?" Hindi mapuknat ang ngiti nito sa mga labi.

   "Hibdi ko alam. Pero alangan namang papuntahin niya ako mag-isa doon eh hindi ko naman alam kung saan ang Uni na pinasokan niya noon." Pagkatapos kasi nilang mag-usap kanina sa phone ay hindi na ito muli pang tumawag.

   Maya maya ay tumunog ang CP ni Ellie. "Hello."

   "I'm here outside your house." Anang tinig ni Clowdee.

   "Okay." Iyon lang at ibinaba na niya ang linya. Maingat siyang bumaba sa hagdan dahil mataas ang takong ng sapatos na suot nita. Nakasunod naman si Candy sa kanya dahil curious daw ito sa itsura ni Clowdee.

   Nang makalabas ng bahay ay agad niyang nakita ang lalaki. Nakasandal ito sa isang kulay pulang sports car. Wow ha! Mayaman talaga ang mukong na ito! Ang sarap lang sakalin eh! Pero unfairness. Ang gwapo talaga ng Adonis na ito! Nakasuot ito ng kulay dark blue na Americana na tinernohan ng kukay blue na necktie. Perfect ang outside look nito. Kaso nga lang. Sablay ito sa attitude portion. Masama kasi ang ugali. Hmp!

   "Ang gwapo niya, Ell!" Pabulong pero tilint sabi ni Candy.

   Pinaikot ni Ellie ang eye balls niya sa mata. "Yeah right." Sarcastic niyang sagot dito.

   "Tayo na?" Yaya niya ng makalapit na sila sa lalaki.

   Walang kangiti-ngiti itong tumango.

   Pero bago pa siya makahakbang papunta sa passenger's seat ay siniko na siya ng kaibigan."Hindi mo ba ako ipapakilala?" Kulang nalang mag heart  ang mga maya nito.

   Frustrated na huminga siya ng malalom. "Just want to remind you, kakabreak mo lang sa bruho mong ex-boyfriend." Taas kilay niyang sabi sa kaibigan.

   "Duhh.. Pati pakilala lang eh. !ang damut ha! Gusto mo lang yatang ikaw lang ang kilala nitong greek god na to eh!" Pabulong parin nitong sabi. Pero duda siyang hindi iyon narinig ng lalaking nasa harapan lang nila.

   Napapiksi siya sa kinatatayuan ng marinig ang lalaking tumawa.

   "I'm Clowdee del Gracia. And you are?" Nakangiti itong itong nilahad ang isang kamay sa kanyang kaibigan.

   Tila siya naengkanto . ngayon lang niya ito nakitang ngumiti. At mas lalo itong gumwapo sa kanyang paningin!

I love you.... When Your Eyes Met MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon