Chapter Fifteen

19 1 0
                                    

    Mabilis ang naging mga hakbang ni Ellie papabalik sa kinaruruonang mesa ng asawa.

    "Ba't ang tagal mo?" Tila nababagot na kaagad na tanong ni Clowdee sa kanya. Ang galing-galing talagang umarte! She roll her eyes heavenward.

   "Five minutes lang naman ako sa CR ah." Natatawang sagot niya sa lalaki. Sasakyan niya ang trip nito sa buhay ngayon!

   "Five minutes is long for me, sweetheart. Ayaw kong nawawala ka sa paningin ko, alam mo 'yon." Kumindat pa sa kanya ang mokong!

   "Hey lovebirds! Hindi ito ang tamang lugar para sa paghaharutan!" Nakangisi na naman si Larry na parang baliw! "And besides. Here comes your bestfriend with his wife." Baling nito kay Clowdee. Napatingin naman ang lahat ng naroon sa kanyang likod. Marahil ay nasa gawing iyon ang tinutukoy ni Larry. Pati si Clowdee ay napatingin din. Napangiti ito pagkaraan, at tumayo.

   "Hey bro!" Rinig niyang bati nito sa dumating. "Thessa." Dungtong pa nito.

   "Clows! I heard a news about you."

   Ellie stiffened with the familiar voice. Nakaramdam agad siya ng kaba. Is it possible?

   Clowdee chuckled. "Yeah. And I brought her here. Sweetheart." Naramdaman niyang lumapit ito sa kanya. Hindi siya nakagalaw. Alam niyang gusto siyang ipakilala nito sa bestfriend kuno nito pero parang ayaw ng katawan niyang gumalaw. "Baby." Tawag na naman nito sa kanya. "Pwede kabang tumayo muna?" Pakiusap ni Clowdee.

   Wala siyang nagawa kundi ang tumayo. Dahan dahan siyang pumihit paharap sa mga ito.

   "Elliery!?" Gulat na bulalas ni Xiann sa kanyang pangalan.

   So she's really right. It was really Xiann. Her cousin. I'm in Trouble!

   Pilit siyang ngumiti sa pinsan. "H-hi Xi!" Nauutal na ikinaway niya ang nanginginig niyang kamay.

   "You're his wife?" Turo nito kay Clowdee.

   "Y-yeah?" Pilit na sagot niya. Naman kasi eh!

   "Yeah? How come?" Kunot na kunot ang noo ni Xiann. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Clowdee.

   "We got married." Maikling sagot ni Clowdee.

   "Does Eron even know about it?" Ang tinutukoy nito ay ang kanyang nakatatandang kapatid.

    "Ah, eh... He will know." Ellie answered.

   "What! So, hindi pa talaga niya alam? Nagpakasal ka ng hindi nagsasabi? How about your parents?" Umiling si Ellie. Alam niyang natuon  na ang atensyon sa kanila ng lahat ng kasama nila sa mesa. Hindi  kalakasan ang boses ng kanyang pinsan. Pero tama lang iyon upang marinig nasa malapit sa kanila.

   Tumiim ang bagang ni Xiann. "Why, wait?" Lumaki ang mga mata nito. "Are you pregnant?"

   Awtomatikong napalaki ang mga mata ni Ellie."Hindi!" "No!" Sabay pa silang napareact ni Clowdee.

   Napakuyom ang kamao ni Xiann. "So? What the fuck is your reason why you married my cousin, del Gracia?" Baling nito kay Clowdee. Halatang galit talaga ito. Well, sino ba namang matinong pinsan ang hindi magagalit kung malalaman mo nalang bigla na kasal na pala ang pinsan mo nang hindi man lang ipinaalam?

   "I love her, Mondragon. That's the reason."

   Napanganga siya sa sagot ni Clowdee. He's really a great actor! Papasa talaga itong artista!

   "I know you Clowdee. Your a certified Playboy for f's sake!" Pulang-pula na ang mukha ni Xiann.

   "I've changed now, and that's because of Ellie. So if you're afraid that i might hurt her. You're wrong."

   Natawa ng pagak si Xiann. Nakita niyang humigpit ang pagkakahawak ni Thessa sa braso ng asawa nito. "Don't make a scene here, Xiann!" Mahina pero madiing sabi.

   Napabaling naman ang tingin ni Xiann sa asawa at awtomatikong lumambot ang mukha. "I'm sorry, love." Paumanhin nito sa aswa bago bumaling sa kanya. "Mag-uusap tayo mamaya, tayo lang dalawa." He ordered. "You're lucky, my wife is pregnant." Paasik na baling nito kay Clowdee. At walang paalam na tumalikod.

   Napabuntong hininga siya. Ano ba itong nasuotan niya? It's really a big mess! At mas lalo siyang nabahala sa isiping baka malaman ng mga parents at kuya niya. Shit! Mura niya sa isip. Bakit pa kase siya pumayag na magpanggap na asawa ng gagong ito?

   "Are you alright?" Pukaw ni Clowdee sa pananahimik niya.

   Inis na tiningnan niya ito. Nagtatanong kapa? Inirapan niya ito. At itinuon nalang ang atensyon sa paligid. Saan kaya nagpunta ang pinsan niya? Baka tinatawagan na nito ang kuya Eron niya o kaya ang mga magulang niya ara hin ang kagagahang ginawa niya sa kanyang buhay. Nakikita na niya sa kanyang isip ang galit na mukha ng kanyang pamilya. Parang gusto niyang magpapadyak at magpagulong-gulong sa sahig. Iyon kasi ang ginagawa niya sa tuwing siya ay nadi-depress. Natigil lang ang pag-iisip niya ng kalabitin siya ni Clowdee sa may tagiliran. Medyo napapiksi pa siya sa ginawa nito.

   "Bakit ba?" Inis na tanong niya dito.

   "You're too quite. You never eat your food." Tumingin ito sa plato niya.

   Pekeng ngiti ang ibinigay niya sa lalaki. "Sa tingin mo ba makakakain pa ako sa mga oras na ito gayung anytime ay pwede ng malaman nila Daddy ang kalokohan mo?" Pabulong niyang sabi. Inilapit pa niya ang mukha sa mukha nito para siguradohing walang ibang makarinig.

   "Don't worry. I'll talk to Xiann later."

   "Wag nalang okay? Baka mas magkagulo pa ang lahat." Aniya bago tumayo at nagpaalam sa lahat na uuwi na. Kaagad ding tumayo si Clowdee at nagpaalam narin sa mga naroon.

   Hindi niya ito nilingon kahit alam niyang nakasunod lang ito sa kanya. Naiinis siya dito. Ito ang dahilan kung bakit nagalit sakanya ang kuya Xiann niya. Magtataxi nalang sana siya pauwi ng maalalang malalim na pala ang gabi. Delikado nang magtaxi nayon. Na-trauma na yata siya sa nangyari sakanya noon.

  Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sakanya. At nasa harapan na sila ng kotse nito. Binuksan niya ang passenger seat at walang salitang umupo. Ganoon din ito. Akala niya ay paaandarin na nito ang kotse, pero humarap lang ito sakanya. Mataman siya nitong tinitigan sa mga mata. Parang gusto nitong malaman ang nasa loob ng isip niya. "Don't you trust me?" Parang naghihinakit na tanong nito. Ang galing talaga ng lalaking ito! Ang sarap batukan eh!

   "I don't. Kaya tumigil kana sa pagpapanggap na parang ang bait-bait mong asawa sa akin dahil hindi na ako natutuwa sa 'yo! Mas lalo mo lang pinapalala ang setwasyon ko, eh. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi nalang sana ako nagpanggap na asawa mo!"Paasik na talak niya dito.

   "Let's make it real, then" walang kaabug-abog na anonsyo nito sakanya. "Marry me for real, ellie."

   Literal na nalaglag ang panga ni Ellie sa proposal ni Clowdee sakanya.

I love you.... When Your Eyes Met MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon