Chapter Twelve

17 0 0
                                    


    Habang nasa byahe ay tahimik lamang si Ellie. Wala rin naman siyang maisip at gustong sabihin sa kasama. Baka kapag mag-open up siya ng usapan eh hindi ito sumagot. O magalit pa ito sa kanya. Napakasuplado pa naman nito. Ang sarap nga nitong sabihan kanina ng Congratulations dahil sa wakas ay nakita niya itong tumawa at ngumiti kanina. Which is alam niyang fake at pilit para lang matigil ang bruhang si Candy at makaalis na sila.

   "I wanna know more about you."

   Gulat na napalingon siya kay Clowdee. Ito? Gusto siyang mas makilala pa?

   "Why?" Hindi niya tuloy mapigilan ang mapa-English rin. Nahahawa siya dito.

   "As a part of our fake relationship. You're my wife and I don't know even the basic details about you, how's that?" Tumaas na naman ang isang kilay nito na bahagyang lumingon sa side niya.

   Oo nga pala. Pano nalang kung tanungin ito ng mga dating kaklase ng tungkol sa kanya at wala itong maisagot? Eh 'di nganga silang dalawa!

   Tumikhim muna siya bago nagsalita. "I am Elliery Wilsons. As in E-L-L-I-E—."

   Pinutol nito ang sunod niya sanang sasabihin at kunot noo siyang sinulyapan. "Do you have to spill your name at my face? I'm not a numb!"

   Ang OA naman nito. Maliit na bagay nagagalit na agat. Chehh! Ang sarap nitong sabunotan!

   "I want to know a basic info about you. Like, your age, or whatever."

   She rolled her eyes. Parang yon lang eh. "Okay. I'm twenty four years ol—.

      " Your what?" Putol na naman nito sa sasabihin pa niya.

    Nakapamaywang na binalingan niya ito ng tingin. "Bakit ba kase putol ka ng putol sa mga sasabihin ko? Makinig ka nalang kasi muna bago ka magsalita! Hindi tayo matatapos nito!" Naiirita niyang sermon sa lalaki. Aba't sumusobra na ito ah.

   Parang baliwala lang naman dito ang inis na pinahiwatig niya. "Did you just said that you're twenty four?" Tila namamanghang tanong nito.

   "Oo. Bakit?"

   "I thought you're just Nineteen or twenty."

   Mas lalo yata siyang nainis sa isinagot nito. Ganoon ba siya ka pandak para dito upang masabi nitong nineteen o twenty pa siya? Sa pagkakatanda niya ay mataas na ang height na 5'6 ½ para sa isang ordinaryong pilipina. Marami nga ang inggit sa kanyang height.

   "So. Ganon ako kapandak sa palagay mo?" Tinaasan niya ito ng kilay.

   "No. It's just that.... You looked younger than your age." Sensirong tinignan siya nito saglit.

   Siya naman ay naramdaman ang tila pag-akyat ng lahat ng dugo sa mukha. Pinamulahan siya ng pisngi sa sinabi ng binata. Iniba niya ang usapan.

   "O-okay. D-do you want to know my hobbies?" Tumango lang ito bilang tugon. "Ahm. I love to sing, cook, and watch romantic movies. And oh! My favorite color is violet, for food? I love chicken adobo, sinigang and fried rice!" Parang tell me about your self lang na nilalaro ng High school diba?

   "What do you do for a living?" Sunod na tanong nito.

   "Wala. Hindi ako pinagtrabaho ng mga magulang ko,eh. Pero nakapagtapos rin naman ako ng kursong Nursing." Mula pagkabata ay pangarap na niyang maging isang Nurse. Kahit gusto ng Daddy niyang maging Businesswoman siya kagaya nito.

   "You must work for your own good. Paano nalang kapag tumanda na ang mga magulang mo at hindi kana nila kayang suportahan? Hindi sa lahat ng panahon ay nandyan sila for your needs." Parang naninermong sabi nito sa kanya. Sasagot na sana siya ng magsalita uli ito.
   "We're here."

   Nang ilibot ni Ellie ang tanaw sa University ay napakunot noo siya. St. Claire University! Ito rin ang pinasukang eskwelahan ng kuya niya.

    Bigla siyang kinabahan sa naisip. Lumingon siya sa banda ni Clowdee. "St. Claire University ito diba?"

   "Yeah." Walang kabuhay buhay na sagot ng lalaki. May kinuha ito sa  duot na Americana. "I almost forgot. Give me your hands." Utos nito. Nang hawakan ni Clowdee ang kamay niya, tila may naramdaman siyang kakaibang reaksyon ng kanyang katawan. Her heart wants to jump out from its ribcage. He pulled out a diamond-cut ring. At isinuot noto iyon sa nanginginig niyang kamay. Hindi niya inakalang gagastos pa ito ng mahal para sa fake relationship nila.

   "H-how old are you?" Nauutal na siya. Sana naman ay hindi ito ka-batch ng kuya Ellionne niya. Pagnagkataon ay patay talaga siya. Siguradong malaking gulo itong napasukan niya!

   "Twenty Nine. Let's get out in the car. Baka nagsisismula na ang party." Medyo nakahinga siya ng maluwag sa sagot nito. Twenty seven lang ang kuya niya. Imposibleng naging magkaklase o schoolmate ang mga ito.

   Nag-aalangang tumango siya. At kalaunan ay bumaba rin naman. Hindi na niya ito hinintay na pagbuksan siya. Hindi rin naman mangyayari 'yon.

   "Ahm..." Naibitin niya ang sasabihin ng tumingin ito sa kanya pagkatapos ay lumapit at walang babalang hinapit siya sa beywang para alalayang lumakad. Nahigit niya ang paghinga ng maamoy ang pabango nito. Napaka manly niyon. Parang gusto niyang mapapikit upang damhin pa lalo ang bango nito. Stop it ,Elliery! Tutol ng isang bahagi ng isip niya. Nauutal na nagsalita siyang muli. "H-hindi mo naman ako kailangang a-alalayan."

   "I just want to. You look tense? What's wrong?" Kunot ang noong tanong nito.

   Napatingin siya sa lalaki. Wrong move. Nagsalubong ang tingin ng kanilang mga mata. At mas lalo lang nagregudon ang lintek na puso niya! Bakit ba naman kase ang gaganda nag dark brown eyes ng lokong ito?

   "W-wala. H-hindi lang ako sanay magparty." She lied. Hilig niya kaya ang party! Talagang nakakatense lang itong kasama. Napakalakas kase ng aura ng kagwapohan nito. Shit lang. Ang hot pa! Oh come on, bitch! Saway ng isip niya.

   "I'm right here for you, sweetie." Anito at hinawakan ang kamay niyang nanlalamig sa kaba. Oh yeah! Ang init ng kamay ni Clowdee. Ang sarap sa pakiramdam. Parang may ilang boltaheng koryenteng dumaloy sa kanyang buong katawan. Tila kinilig siya sa ginawi nito. Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaliwang kamay niya ng makapaaok sila sa pinagdadausan ng Party.

I love you.... When Your Eyes Met MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon