Chapter Ten

14 2 0
                                    

   Pababa si Ellie ng hagdan nang tumunog ang kanyang cellphone. Kagagaling niya lamang sa loob ng kwarto ni Candy para ilagay doon ang ipinadala ni Clowdee the bossy man. Isa pala iyong red fitted gown na magamat medyo sexy ang tabas ay magmumukha namang disente at sophisticated kung sino mang magsusuot niyon.

   "Hello." Sagot niya ng hindi man lang tumitingin sa screen ng CP niya.

   "Did the dress fit on you?" Walang ka bati-bating sagot ng lalaki kabilang linya. Hindi niya maiwasang sumikdo ang kanyang puso. Kinakabahan siya. What's wrong with her? Kilala niya ang boses sa kabilang linya. Kahit sandali lang niya itong nakausap ay parang romehistro na sa kanyang utak ang boses na iyon.

   Bumuntong hininga siya bago muling magsalita. "H-hindi ko pa sinusukat eh." Why she stammered? Ah siguro ay natatakot siya sa malamig nitong boses.

   "Why? Don't you like it?"

   Kahit Hindi niya ito nakikita alam niyang nakakunot na naman ang noo nito. "H-hindi naman sa ganoon. The gown was beautiful. M-may ginagawa pa kasi ako ngayon. Mamaya ko nalang siguro isusukat pagkatapos." Palusot nalang niya sa lalaki. Baka magalit na naman kase ito at mabulyawan pa siya.

   "You must wear it as soon as possible for me to know if it fits you or not. Para mapapalitan ko kaagad. We don't have much time, Ellie. The party will be held tonight."

   Nabigla siya. Hindi kase niya alam na mamayang gabi na pala ang party. Akala niya kase e bukas pa o sa susunod na araw. Ngayon tuloy ay kinabahan na talaga siya ng tudo. Hindi siya socialite person kaya hindi niya alam kung paano makitungo sa mga sosyal. At ayon sa hinagap niya. Ang lalaking ito ay napapalibutan ng mga sosyal na mga tao. Ayon narin sa tindig at porma nito. Mahahalatang mataas na tao ang lalaki. Pamilyar rin kase ang pangalan nito. Hindi niya lang alam kung saan niya nakita o narinig ang apelyedong del Gracia.

   "Hindi ko naman kasi sinabi sayong padalhan mo ako dito ng damit para isuot ko sa party. Kaya kong pumili ng damit na babagay sakin." Totoo naman ang sinabi niya. Hindi nga siya socialite pero marunong siyang bumagay.

   "Don't against with me. I just want this night to be perfect. Mas okay kung ako mismo ang pipili ng susuotin mo."

   Ang yabang talaga nitong magsalita. Anong tingin nito sa kanya? Paslit na walang ka muwang muwang sa mundo?

   Hindi na lamang niya ito pinatulan pa. Ayaw niyang makipag away ngayon dito at marami pa pala siyang dapat gawin dahil maghahanda pa siya sa party. Baka hindi niya masunod ang "perfect" nitong gusto.

   Tiningnan niya ang relong pambisig. "Sige bye na. At marami pa akong gagawin. Wag kang mag-alala isusukat ko ngayon din ang damit para matahimik na ang kaluluha mo diyan." Sarkastiko niyang sabi at walang babalang pinatayan ito ng linya.

   Pumanhik siya sa hagdan pabalik sa kwarto ng kaibigan upang isukat ang gown.

   "Pwedeng akitulongan ako?" Aniya sa kaibigan ng mabuksan na niya ang kahin. Kinuha niya mula roon ang damit. Hindi kase niya maabot ang zipper niyon sa likoran.

   "Signatured dress pala itong binigay nong Clowdee sayo Ell no?" Manghang sabi ng kaibigan ng mabistahan ang likod ng damit kung saan makikita ang brand niyon.

   "Bakit ano bang brand?" Wala sa loob na tanong niya.

   "Mix Makes. Siguro ang mahal nito?"

   Napaawang naman ang bibig niya. Ang mahal nga ng damit na ito. Isa ang brand ng Mix Makes sa pinakamahal na brand ng damit,sapatos,accessories at ibapa. Kahit siya nga na may kaya sa buhay ay nasasayangan sa perang wawaldasin kapag bumili ng kahit isang kapiraso lang na T-shirt dahil sa sobrang ka mahal ng presyo.

   Walang dudang mayaman nga ang damuhong lalaking iyon.

I love you.... When Your Eyes Met MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon