Chapter Nine

17 1 0
                                    

   Nahum ng na nakatulog si Ellie ng nagdaang gabi. Pagkatapos siyang pagbuksan ng kaibigan at tanungin kung bakit siya naroon ay malugod siyang tinaggap ng mga ito at doon daw muna siya hanggang hindi pa nareresolba ang problema tungkol sa security thingy. Ilang beses rin siyang sinubokang tawagan ng Daddy niya pero hindi niya ito sinagot. Tinext lang niya ito na okay lang siya at wag ng mag-alala ang mga ito sa kanya.

   "Hindi ba alam ng Daddy mo ang bahay namin Ell?" Tanong ng kaibigan niya habang naghihiwa sila ng mga gulay para sa nilulutong sinigang ng Mama ni Candy.

   Tinigil niya sandali ang paghihowa at iniangat ang tingin sa kaibigan. "No. Hindi ko naman kase nabanggit sa kanya kung saan kayo nakatira. At isa pa hindi na'yon mag-aalala kasi nag-text narin naman ako sa kanila."

   "Pero alam mo, naiintindihan ko sila. Syempre, only daughter ka nila. Maski, siguro sila Mama kung mabalitaang muntik na akong mapahamak eh mag-aalala rin."

   "I know than Dy. But isn't it too much? Pwede naman sigurong wala lang bodyguard diba? Natuto narin naman ako na maglakad ng mag-isa kapag uuwi sa unit ko." Napasimangot siya ng maisip ang nangyari sa kanya ng nakalipas na isang araw.

   "Bakit kase hindi ka pa bumili ng sariling sasakyan mo? Para hindi ka maghirap maglakad sa gabi o kaya ay mag taxi." Kumento ni Candy.

   "You know I can't drive. And I don't want to drive too." Hindi talaga siya natutong magdrive kahit gusto ng kuya niya noong turuan siya. Takot siyang magdrive. Okay na sa kanyang mag taxi nalang kesa magdrive.

   "Eh di kumuha ka nalang ng driver."

   "Hindi ko rin kailangan ng driver. Wala naman akong regular job para magpahatid-sundo everyday."

   "Well.. May punto ka do'n. Halikana at ibigay na natin ito kay mama sa kitchen." Anito at nauna ng pumunta sa kusina.

   Bakit ba kase naiwipan nitong doon pa sa sala maghiwa ng mga ingredients na kakailanganin nila sa sinigang?

   Isang linggo ng nakatira si Ellie sa bahay ng kaibigan niya. Kahit nahihiya sa mga ito ay wala siyang magagawa. Hindi parin kase kumbinsido ang kanyang ama na wag na siyang mag bodyguard. Gusto lang daw nitong protektahan siya para makasiguro.

   Nanunuod sila ni Candy ng Korean Nobela ng tumunog ang doorbell. Nagkatinginan silang dalawa. Wala doon ang mga magulang ni Candy kase may importanteng lakad ang mga ito at ang kapated naman nito ay nasa eskwelahan palang.

   "May ini-expect ka bang bisita?" Tanong niya dito.

   Umiling lang ito bilang tugon at tumayo. "Ako nalang ang magbubukas." Presenta nito.

   Narinig niya ng buksan ni Candy ang pinto. Nasa sala siya kaya kita lang mula roon ang intrada ng bahay.

   "Ano pong sadya nila?" Tanong ni Candy. Lumingon siya sa pinto. May lalaking nakatayo roon at may dala itong isang kahon na kulay pink.

   Hindi niya ito kilala at alam niyang ganoon rin si Candy base sa naging tanong nito kanina.

   "Dito po ba nakatira si Elliery Wilsons?" Tanong ng lalaki. "May   ipapabigay po kaseng package si Sir Clowdee."

   Buhat sa narinig ay napatingin sa kanya ang kaibigan. "O, Ell.. Para sayo pala ito eh." Takang sabi ni Candy.

   Tumayo siya mula sa sofa at tinungo ang pinto. "Kanino nga ho ulit ito galing?" Paninigurado niya. Baka nagkamali lang siyalang siya ng dinig.

   "Kay Sir Clowdee del Gracia po iyan galing Ma'am."

   Nagtaka siya. "Bakit naman niya ako padadalhan niyan?"

   "Sorry po ma'am pero hindi ko po alam." Napakamoy sa noong ot ng lalaki. "Iniutos lang po iyan ni Sir sakin. Kaya po tanggapin niyo na at marami pa po siyang inuotos sakin ngayong araw. Baka po mapagalitan ako" Dugtong pa nito.

   Nag-aalinlangan man ay tinanggap niya parin ang kahon na iniabot ng lalaki sa kanya. "S-salamat po." Matipid niya itong nginitian.

   "Walang anuman. Sige mauuna na ako." Anito at umalikod na.

   Nang balingan niya ang kaibigan ay pagtataka ang rumehestro sa maganda nitong mukha. She took a deep breath. Ihahanda na niya ang sarili sa matinding paliwanagan.

  

I love you.... When Your Eyes Met MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon