Chapter One

51 2 0
                                    

   "Uuwi kana ba?" Napalingon si Ellie sa kanyang likod. It's Candy. One of her bandmate. And also her friend. Ngumiti siya ng matamis dito  at tumango.

   "Bakit?"

   "Sabay na tayo." Nakangiti rin itong sumagot.

   Tinapunan niya ito ng nagtatakang tingin."Wala ba si Bob?" Umiling lang ito at nag-iwas ng tingin."Bakit?" Curiosity strikes her. Umiiral na naman ang pagiging usyosera niya.

   "Well..We're over." Direktang sagot nito at napayuko.

   "I-im sorry Dy." Hinawakan niya ang kamay nito."Wanna talk about it?" Nginitian niya ang kaibigan at hinawakan ang mga kamay nito."Doon tayo sa bahay mo mag-usap." Aniya ng tumango ito. Malapit lang kase ang bahay nito sa bar na pinagtatrabahoan nila.

   "N-nakakahiya naman sayo."

   "What friends are for diba? And besides, wala rin naman akong gagawin sa condo kundi magmukmok. It's already four in the morning kaya hindi narin ako makakatulog pa."

   Nang makarating sa bahay nila Candy ay agad silang pumasok sa kwarto nito. Tulog pa ang mga magulang nito at kapatid dahil Linggo ngayon at walang pasok.

   "So..anong dahilan at wala na kayo ni Bob?" Panimula niya.

   Nauutal naman itong sumagot. "H-he cheated on me." At nagsimula na itong umiyak. Nilapitan niya ito at niyakap. Hindi siya makarelate dito dahil hindi pa naman siya nagka heartbreak dati. Wala pa siyang karanasang mag nobyo o kahit ka M.U. Pero alam niyang masakit para dito dahil mahal nito ang hinayupak na lalaking si Bob. Saksi siya kung gaano ito ka faithful sa lalaki. Kaya hindi niya lubos maisip kung bakit nagtaksil si Bob sa kaibigan niya. Maganda si Candy, talented at mabait. Ano pang hahanapin ng bakulaw na si Bob?

   Napabuntong hininga siya. Boys are boys. Siguro ay natukso ito sa iba.

   "Shh..tahana.. Hayaan mo, kapag nagkita kami nong siraulong yon. Ako mismo ang gaganti para sayo. Bubugbogin ko yon!" Pang-aalo niya dito habang hinihimas himas ang likod nito.

   "H-hindi ko lang k-kase maisip k-kung bakit niya n-nagawa sakin to." Hagulgol ni Candy.
    
   "Eh kase, buwang ang Bob nayon! Kaya wag mong sayangin ang luha mo para sa lalaking gaya niya! Kawalan na niya dahil  niloko niya ang katulad mong mabait na, eh maganda pa!"

   "Eh binobola mo naman ako niyan eh!" Medyo nakatawa itong humarap sa kanya. "Kita mo'ng nagsisente ako." Nakalabi pa nitong sabi.

   "Hindi kita binobola! Totoo ang sinsabi ko. Kaya ikaw, wag kanang magsente dyan! Makakahanap kapa ng iba. Forget that bastard and move on.okay?" Pinunasan niya ang mga mata nitong hilam sa luha.

   "Nasasabi mo lang yan kase hindi ka pa naiin-love." nirapan siya nito.

   "Kaya nga ayaw ko ng ma in love eh. Look at you. Nain-love lang. Nag-eemote na." Hinalikan niya ito sa pisngi."Oh, alis na ako. Kita nalang tayo bukas ng gabi." Paalam niya sa kaibigan. Tumango ito at nag-thank you sa kanya. "Welcome." Nakangiti niyang sabi at lumabas na ng bahay nito.

I love you.... When Your Eyes Met MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon