Chapter Fourteen

17 2 0
                                    

     "Excuse me. Magc-cr lang ako." Paalam ni Ellie sa mga kasama. Hindi na niya kasi maintindihan kung ano ba ang nararamdaman niya ngayon. Naghalu-halo na kasi ang kaba at pagkakilig sa loob niya. Para na siyang naiihi na natatae, hindi na talaga niya alam!

    Kasalanan kasi ni Clowdee. Kanina pa itong lambing ng lambing sa kanya. Kung hindi nakahawak sa kamay niyang nasa ibabaw ng mesa ay hinahapit siya nito sa beywang. At ang mas malupit pa ay tinititigan siya nito ng may halong pagmamahal. He's a good actor, she bet. Talo pa nila ang isang love team sa isang pilikola sa ka sweetan nito. At hindi niya gusto iyon. Dahil bukod sa pinapabilis nito ang pintig ng kanyang puso, nakakaramdam din siya ng kaba. Ewan ba niya kung bakit.

   "Gusto mo bang samahan na kita, sweetheart?" Masuyong tanong ni Clowdee sa kanya. Na kinatingin ng lahat ng naroon. Partikolar sa lalaki.

   "H-hindi na, kaya ko naman mag-isa eh." Pilit siyang ngumiti dito.Baka sumabog na ang puso ko, kapag hindi ako dumisytansya sa'yo kahit sandali. Pepeng dagdag ng isip niya.

   "Are you sure?" Paniniyak pa nito.

   "Yeah." Maikling sagot niya bago tumayo. Pero napatigil siya ng hindi nito binitiwan ang kanyang kamay na hawak nito. "Ahm.." Nabitin niya ang sasabihin. Ngumiti na naman kasi ito ng pagkatamis-tamis sa kanya. Tila may nag-papaligsahang mga daga sa kanyang dibdib.
   What's wrong with this man?

   "M-my hand."

   "I'll only let go of your hand if you'll give me a kiss, my heart." Tila nagsusumamo ang tuno ng boses ni Clowdee.

   Tila na gimbal naman siya sa sinabi nito. Pinanlakihan niya ito ng mga mata na nagsasabing what-are-you-thinking-look.

   "Oh c'mon Clows." Sabad ni Larry. "Magc-cr lang naman ang asawa mo. Hindi naman siya mag-aabroad. Babalik din 'yan agad." Natatawang dagdag pa nito.

   "He's right Clowdee. Makareact ka naman parang ilang taon siyang mawawala. Napaghahalataan ka tuloy!" Sigunda naman ni Sandra na humahagikgik pa.

   "Mind your own business guys." Masungit na baling ni Clowdee sa mga itona ikinatawa ng lahat ng naroon sa kanilang mesa, bago tumayo at hinalikan siya ng mabilis sa mga labi. Kantyaw tuloy ang inabot nito sa mga kasama nila. "Ang sweet!" Narinig pa niyang sabi ng mga ito in chorus. Natuod siya sa kinatatayuan dahil sa ginawa nito. Saglit lang iyon pero parang may boltahe ng koryenteng dumaloy sa mga kalamnan niya.

   Binitawan na nito ang kamay niya. "Get back as soon as possible, okay?" Malambing itong humawak sa kaliwa niyang pinge.

   Tangu lang ang naisagot ni Ellie at nagmamadali niyang tinungo ang pinto ng CR. Pagkatapos niyang gawin ang pakay ay nag-retouch muna siya. Kailangan niyang sigurohing lagi siyang maganda sa paningin ng lahat ng naroon dahil ang gwapo ng date niya. Baka isipin ng mga itong hindi siya worth it ng isang Clowdee del Gracia. Napangiti siya sa naisip. Feel na feel niya ang pagiging misis nito, gayung hindi naman totoo. Stop it,Ellie! Saway niya sa sarili. Lalabas na sana siya ng bumukas ang pinto ng isang cubicle at iniluwa ang sexy'ng babae. Nakasuot ito ng itim na gown na may slit sa magkabilang gilid ng hita. Sa kaiksian ng gown ay halos kita na ang panty nito knowing na naglalakad ito papunta sa direksyon niya. Marahil ay lalabas narin ito gaya niya. Tatalikod na sana siya ng bigla siya nitong batiin ng "Hi".

   Napatingin siya sa mukha ng babae at saglit na napatigil. She looks familiar. Saglit na nag-isip si Ellie kung saan niya ito nakita and there! That scene in her " husband's " car give her an answer. Siya 'yong babaeng kalampungan ni Clowdee nong gabing hinahabol siya ng mga BG ng ama!

   "I know I am beautiful, but don't look at me like you are comparing your self from me." Mayabang nitong saad.

   Ang arteng magsalita , akala mo naman matinong babae! Hmp! Inis na sabi niya sa isip. Nginisihan niya ito. Maasar nga!

   "I'm beautiful enough to compare my self to anybody, specially to those who are just suiting there selves to get flirts with someone else's husband." Bwelta niya dito at nagmadaling humakbang palabas ng CR.

   "You bitch!" Rinig pa niyang sigaw ni Jade ba'yon? Oh, well. She don't really care at all. Nakakatuwa lang talaga ang epic fail nitong mukha ng sabihin niya dito ang mga salitang nabitiwan niya. Akala nito magbabait-baitan siya at aarteng parang good-wife ni Clowdee? Pwes nagkakamali ito dahil maldita at pasaway siya! Kapag lumapit pa ito sa kanya o kay Clowdee mamaya ay tiyak na pagmumukhain niya itong tanga! Napangiti si Ellie sa naisip. Siguradong magiging masaya ito!

I love you.... When Your Eyes Met MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon