Chapter Three

29 3 0
                                    

   Pagod na naihiga ni Ellie ang katawan sa kanyang kama. Kauuwi niya lang galing presento para tuluyang sampahan ng kaso ang dalawang manyak na ipinahuli niya kanina sa mga pulis na romespunde at tumulong sa kanya. Ipinikit niya ang mga mata upang matulog. Ilang oras din siya sa presento at talagang pagud na pagod siya.

   Alasingko y medya na ng magising si Ellie. Hindi paman siya nakababa sa kanyang kama ay  tumunog na ang kanyang Cellphone. "Hello." Walang ganang sagot niya.

   "I'm sending four bodyguards right to your condo unit, Ellie." Walang kagatul-gatol na sabi ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Napatingin siya sa Cellphone na hawak. It's no other than, her father.

   "Why Dad?" Maang niyang tanong sa Amang si Juaquin Wilsons.

   "It's for your security Ellie. After what happened to you earlier, I think you need a bodyguards to protect you at para hindi na maulit ang insedenteng katulad kanina." Kahit hindi niya nakikita. Alam niyang tumiim ang bagang ng kanyang ama.

   Napabuntong-hininga siya. Hindi na niya kailangang itanong kung saan nito nalaman. Maraming koneksyon ang kanyang ama lalo na sa mga kapulisan. Dahil dati itong Heneral. Nagbitiw lang ito sa pwesto ng mamatay ang kanyang lolo at ipinamana dito ang lahat ng naiwanng ari-arian at mga negusyo. Nasa America na ito ngayon dahil ang grandfather niya ay isang Filipino-American at doon nakabase ang negusyong naiwan nito. Habang siya ay nagpaiwan sa Pilipinas upang manirahan ng tahimik. Kahit labag sa loob nang kanyang Ama, pumayag ito sa desisyon niya. Alam kase nitong hindi ito magwawagi. Mahal niya ang bansang sinilangan. At hindi niya kayang iwan ang bansang ito.

   "Dad. Don't worry about me, okay? I can take care of my self. You don't have to send your bodyguards here. Alam mo namang ayaw kong may nakabantay sakin diba?" Pagmamaktol niya. Parang gusto niyang magpapapadyak sa sahig. She really hates security. She's too old for that.

   "Pinagbigyan na kita noon Ellie. Ngayon ako na ang masusunod. Your mother is too worried to let you do taking care of your self on your own. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, ipapadala ko sila dyan. In any minute ay nandyan na sila."

   "Dad! I'm not a kid anymore! I don't need a bodyguard!" Naiinis na siya sa mga magulang. Alam niyang gusto lamang ng mga itong masigurong ligtas siya. Pero nakakasakal ang ganong ka OA-han ng mga magulang niya.

   "Hardheaded as usual Ellie? Let me tell you this. I'm the father here, and you need to follow my orders I don't fucking care if you like it or not, and that's final! End of discussion!" At pinatayan na siya nito sa kabilang linya.

   She groaned in frustration. She's Twenty four years old for time's sake! Ang tanda na niya para bantayan pa ng bodyguard. Hindi siya kumportable na kahit saan pumunta e may mga nakabuntot sa kanya. Na pag may pupuntahan siya e may magtatanong at magiinporma sa kanyang ama.

Hindi maari! Kailangan kong makaisip ng paraan! Maktol niya sa isipan.
   Nag-isip siya kung ano ang maaari niyang gawin upang matakasan ang mga bodyguards na ipinadala ng Daddy niya.
   Isang pilyang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Ellie ng may maisip.
  

I love you.... When Your Eyes Met MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon