Chapter Thirteen

12 2 0
                                    


    Agad na sinalubong si Ellie at Clowdee ng isang matangkad at gwapong lalaki. Matamis ang ngiti nito habang nakatingin sa kanilang dalawa bago napunta ang mga mata nito sa magkahugpong nilang kamay. Mas lalo itong napangiti.

   "Hey, Clows. It's been a long time!" Bati ng lalaki kay Clowdee.

   "Yeah it is. By the way, my wife, Elliery." Pakilala ni Clowdee sa kanya.

   Napapitlag naman siya ng walang sabi-sabing kinuha nito ang malaya niyang kamay at dinala sa mga labi nito upang halikan ang likod niyon. "Nice to meet you, Elliery. I'm Johan. Clowdee's friend." Pakilala nito matapos halikan ang kamay niya.

   "S-same here." Utal na sagot niya. Ang akala niya kase ay simpleng shake hands lang ang gagawin nito.

   "Clows is very lucky to have you as his wife. You're so gorgeous."

   Kiming ngiti lang ang isinagot niya sa sinabi nito. Hindi parin kase nito binitawan ang kanyang kamay.

    Tumikhim si Clowdee bago magsalita. "Let go of her hand Johan Santillian. Wag mong ipakita sa harap ng asawa ko ang pagiging playboy mo." Walang bahid ng birong sabad ng asawa niya.

   "Relax, pare. Masyado ka namang possessive. Dati nga nagsi-share pa tayo ng ba—."

   Hindi na natuloy ni Johan ang sasabihin dahil binweltahan na ito ni Clowdee. "Shut your dirty mouth, Santillian. Kung ayaw mong isumbong kita kay Dorine." Banta pa nito kay Johan.

   "Whoah! Easy Clows." Humalakhak pa ito na nakapag patingin ng ilang tao sa party. "Enjoy your self, Elliery." Baling nito sa kanya bago tumalikod at naglakad sa kung saan.

   Pagkaalis ni Johan ay walang salitang hinila siya ni Clowdee sa isang lamisa kung saan nakareserve at nakalagay ang pangalan nito. Hindi paman nakakarating ay napatingin na kaagad sa kanila ang mga nakaupo roon. Partikolar na naman sa magkahugpong nilang kamay. Big deal ba ang paghoholding hands namin sa kanila? Takangb tanong ni Ellie sa sarili.

   "Hi everyone." Walang ka ngiti ngiti paring bati ni Clowdee sa mga naroon ng makarating sila sa tukoy na misa.

   Lihim siyang napaismid. Ano ba namang  klaseng pagbati ang ginawa nito? Kahit plastic na ngiti ay hindi pinagbigyan.

   "Ngumiti ka naman." Pabulong na saway niya sa lalaki at nginitian ito ng matamis. Hindi siya sanay sa mga bad vibes. Baka mahawa pa siya nito.

   Agad namang nagsitayuan ang mga ito at isa-isang bumati sa kanila.

   "Hi Clowdee." Anang isang babae. "You finally met your match. Won't you introduce her to us?"

   "Yeah sure." Pinisil nito ang kamay niyang hawak parin nito. "Everybody, this is Elliery. My wife. And, baby." Bumaling ito sa kanya at ngumiti."They are my batch mates during in college. Sandra." Tukoy nito sa nakaitim na gown na babae. "Larry and his girlfriend, Beth." Ngumiti sa kanya ang aagkasintahan at nakipag kamay. "Suzeth, Liana and Cathy." Nakipag-kamay rin sa kanya ang tatlong babae.

   Hindi niya maiwasang magandahan sa mga kaibigang babae ni Clowdee. Halatang galing sa mayayamang angkan ang mga ito kung titingnan ang kaelegantihan ng mga suot a damit tt alahas. Maging ang kilos ng mga ito.
   "It's a good thing that you brought Elliery here,Clows. At para naman matigil na ang mga babaeng baliw na baliw sa'yo." Nakangising sabi ng nagngangalang Larry. Halatang nagbibiro.

   Tumawa si Clowdee na ikinagulat nang lahat ng nasa misa. Ibinaling nito ang tingin sa sa kanya at ngumiti ng matamis. "That's the main reason why I brought my wife here. To tell those clingy women that my heart's already taken by my wife." Anito na parang walang ibang tao roon kundi siya lang. At pakshet dahil kinikilig yata siya? Napangiti so Ellie. Clowdee looks really in love with her kung ang pagbabasehan ay ang mga salita at titig nito sa kanya ngayon.

   At masamang pangitain iyon para sa kanya!

I love you.... When Your Eyes Met MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon