Hindi makatulog si Ellie dahil sa sinabi ni Clowdee. Sa twing ipipikit niya ang mga mata ay ang gwapong mukha nito ang nakikita niya. Akala niya ay nagbibiro lang ito sakanya pero ng tingnan niya ito mata sa mata, ay nalaman niyang seryuso talaga ito.
"Are you insane? Ne hindi nga natin lubusang kilala ang isa't-isa!" Aniya nang makabawi sa kabiglaan.
"We'll work on that. And besides, nasimulan na natin 'to. Let's get through with it by marrying each other for real and everything's gonna be okay. Matatanggap rin nilang nag-asawa kana. We'll tell them we will have a church wedding coz we already had civil wedding, which is not true. Para mabawasan ang galit nang mga kapamilya mo, if they will be angry—"
Pinutol niya ang sinasabi nito. "Talagang magagalit sila, walang duda!"
"Can you please listen to me first so you could understand what i want to say!" Kunot ang noong sabi nito.
"Yeah, yeah."
"We will discuss it next time. It's late. I need to bring you home." Anito bago pinaandar ang sasakyan. Habang nasa byahe ay wala silang imikan. Kahit nang makarating at makababa ay tanging 'thank you' lang ang nasabi niya habang ito ay tumango lang at walang paalam na pinasibad ang kotse nito palayo.
Nagising si Ellie sa tunog ng kanyang cellphone. Saglit na tiningnan niya ang caller id. It's Yna. "Hello."
"I have a good news for you!" Tili nito sa kabilang linya.
Nailayo niya ng wala sa oras ang CP sa kanyang teynga. "Ano ba 'yan Ynabelle! Ba't ba ang tinis ng boses mo?" Singhal niya sa kabilang linya. "Be sure na good news talaga 'yang itinawag mo kundi malalagot ka sakin!"
"It is Ell! And hold your breath coz its—"
"Spell it okay!" Inip na sabi niya. Ang dami pang patutsada ng babaeng ito eh!
"You're gonna be the model for the new magazine and brochure of mix makes!" Masayang pahayag nito.
Ellie froze for a while. Mix makes? Ang isa sa mga pinakamahal na clothing and jewelry brand sa buong pilipinas? Kilala ang mix makes sa kanilang kakaiba at very expensive type na mga damit. Nag susupply din ito ng shampoos, beauty soap , cosmetics, and etc. Talagang dream come true para sa kung sino mang magmomodel sa mga gawa ng brand na ito.
"Pero bakit ako?" Oo nga at nakapagmodel na siya. Maraming beses na. Pero tanging shampoo at sabong pampaputi lang ang nagawan niya ng commercial. Ne hindi nga niya pinakita ang mukha niya non. Sa kadahilanang ayaw niyang malaman ng mga magulang ang tungkol sa pageextra niya. Ayaw ng mga itong naeexpose siya sa publiko. Masyadong OA sa tingin niya pero hindi na lamang siya nagtanong kung bakit. Total ay sinusunod naman niya ang gusto lingid sa kaalaman ng mga ito.
"Do you remember Jucy, 'yong baklang deriktor?" Tanong ni Yna sakanya.
"Oo."
"Siya 'yong tumawag sa'kin. He ask me if you're willing to be the model for mix makes kase 'yong nakuha nilang magmomodel sana eh nagback out kasi nabuntis at medyo halata na ang tiyan."
"Ah. Gano'n pala?" Napapatangong sabi ni Ellie.
"Oo ganern! Kaya magmadali kanang pumunta dito dahil magmemeet tayo ng representative ng company for the signing of contract this 4 o'clock in the afternoon! Wear a nice outfit that emphasize your body. I'm happy for us ngenget! I'm really a good manager slash designer to you." Exited na tili ni Yna.
BINABASA MO ANG
I love you.... When Your Eyes Met Mine
RomanceDahil sa insedenting iyon.. Ay nakilala ni Ellierry si Clowdee-na nakikipag laro ng "apoy" sa isa sa mga babae nito. At dahil bukod sa Playboy, ay napakasungit at bossy pa ito. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa ipinagawa nito sa kanya. "Min...