Chapter Sixteen (2)

39 3 0
                                    

    "Sigurado ka ba talaga d'yan sa sinasabi mo, Yna? Baka mamaya nyan eh fake news pala 'yan?" Paniniyak niya. Hindi parin kase siya makapaniwalang sa dinami-dami nang mga sikat na modelo sa pilipinas ay siya pa talaga ang napili ng direktor na magmodel para sa mix makes. Parang it's too good to be true, ika nga.

   "I'm 101% sure, okay! At alam mo naman na paborito ka ng baklitang iyon eh! Kaya wag ka ng mag-alilangan pa d'yan. Baka magbago ang isip non sige ka!" Pananakot nito.

    "Kapag ito fake news. Lagot ka talaga sa'kin!"

   "Hindi nga ano kaba? And besides, madalian ang gagawing photoshoot. Lahat na kilalang model ni direk ay hectic ang schedules kaya  nong malaman niyang wala kang schedule next week ay talagang umo-o na ako! Iyon pa ba naman ang tatanggihan natin eh ang gandang opportunity! O, sige bye na. May kailangan pa akong taposin dito! Basta, magpaganda ka ha?!" Pahabol nito at walang babalang pinatayan siya ng tawag.

   Napatingin siya sa cellphone na hawak. Talagang hindi pa siya nakakabawi sa kabiglaan ng tumunog na naman ito. May tumatawag na naman, at nanlalaki ang mga mata niya nang makita ang pangalan sa screen. Si Xiann. At kinabahan siya nang maalalang hindi pala niya ito nakausap kagabi. O kaya ay natawagan man lang. Pahamak kasi iyong sinabi sa kanya ni Clowdee the 'unggoy' kagabi. Nawala na tuloy sa isip niya na kakausapin pala siya dapat ni Xiann. Pahamak ka talaga sa buhay ko, Clowdee!

  "H-hell—" hindi paman siya natatapos ay galit na sumabad na ito sa kabilang linya.

   "Mag-uusap tayo ngayon o sasabihin ko kila tito na nag-asawa kana't hindi man lang sinabi sa kanila?"

   "X-xi naman. Malaki na ako. Kaya ko nang magdesisyon sa sarili ko." Iyon lang ang naisagot niya. Kahit na hindi niya ito nakikita ay nararamdaman parin niya ang galit na aura nito.

   "That's a very lame reason, para magpadalus-dalos ka ng pasya Elliery! Kahit na malaki kana, we all have the right to know kung ano ang nangyayari sayo dahil pamilya mo kami!" Sinambit nito ang buo niyang pangalan. Tanda nang matinding galit. Paano pa kaya kung ang kuya Eron na niya ang makaalam sa ginawa niyang "pagpakasal" ng palihim?
   "S-sorry Xiann. I know I act like a bitch not thinking kung ano ang mararamdaman niyo, pero wala na akong magagawa eh..." Naibitin niya ang sasabihin. Parang nag-aalinlangan siya kung sasabihin pa ba niya dito ang naiisip niyang "dahilan" kung bakit kinailangan niyang magpakasal kay Clowdee. Napabuga siya nang hangin bago nagpatuloy. "N-nakuha na niya ang lahat sa'kin, Xi." Gumaralgal ang boses niya dahil sa isa na namang kasinungalingang tinahi niya.

    "Damn that bastard!" Malutong ang naging mura nito.

   "C-can we talk some other time please? May meeting kase ako ngayong hapon eh." Pakiusap niya sa pinsan. Palusot narin niya iyon para makaiwas muna dito. Kailangan pa niyang pagplanohang maigi ang mga isasagot kung sakaling magtanong ito kung paano silang nagkakilala ni Clowdee. At kailangan rin niyang kausapin ang mukong na iyon para walang sabit kung sakali.

   Narinig niyang napahugot ito ng malalim na paghinga. "Sige. But promise me, na sasabihin mo na ang tungkol sa bagay na ito ha? Ang pag-aasawa mo kay Clowdee."

   "H-hindi mo ba ipinaalam sakanila Xi?" Kinakabahang tanong niya.

   "No. You must be the one to tell. Ayaw kong pangunahan ka. After all, buhay mo 'yan."

"T-thanks, kuya Xi." Malambing na sabi niya sa kabilang linya. Tinatawag niya lang itong kuya kapag gusto niyang maglambing o may hinihinhi siyang pabor dito. Nasanay narin naman ito sa kanya.

   "Yan tayo eh!" Narinig niyang tumawa ito. Napatawa narin siya. At least, medyo gumaan ang pakiramdam niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I love you.... When Your Eyes Met MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon