Chapter 12

14 3 0
                                    

Pauwi na ako sa bahay biglang may tumawag.

From unknown number.

From: Unknown Number

Nagdadalawang isip akong sagutin kasi usually di ako sumasagot sa mga unregistered number.

Ring ito ng ring.

Baka importante kaya sinagot ko nalang.

I press the answer button.

Pinauna ko itong sumagot kaso walang nagsasalita kaya inunahan ko nalang kaso sabay kaming nagsalita.

"Sino to?" Tanong ko sa kabilang linya kaso walang sumasagot.

Pepe? Or di lang narinig o baka choppy.

"Sino to?" Tanong ko uli pero wala na namang sumagot.

Ieend call ko na sana pero nagsalita na ito.

"Steeeeeeeeph!!!!" Tawag sakin sa kabilang linya.

"Adrian?" Sabi ko.

Kabisado ko na kasi mga boses nila.

Napataas tuloy ako ng kilay kong bakit to napatawag.

"Oh? Napatawag ka?" Tanong ko.

"Wala lang, kinakamusta ka" Sagot niya.

"Okay naman ako. Sige na baba ko na" Sabi ko.

Wala akong time na makipag usap ngayon.

Hanap ka nalang ng iba.

"Teka" Pahinto niya sakin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Mag ingat ka sa pag uwi" Sabi niya tsaka pinatay yong tawag.

Bastos. Inunahan ako ng pagpatay sa tawag.

Pero bakit alam nito na pauwi na ako?

Weird.

Binuksan ko na yong gate namin tsaka pumasok na sa loob.

Kailangan ko na tapusin lahat gawain ko.
Nakakapagod pero kakayanin.

Umakyat muna ako sa taas upang magbihis.

Parang gusto kong matulog ngayon.
Tumunog yong phone ko.

Tinignan ko ito, may nag text.

From: Unknown Number

Ingat ka sa pag uwi. Kumain ka na din. Wag magpalipas.

Text sakin. Si Adrian na naman to.

Feeling jowa?  Charan.

Diko nalang ito pinansin. Pake ko ba? Pake ko din sa kanya.

Magpahinga nalang muna ako tsaka ako baba mamaya para kakain at magpupuyat ako sa gawain sa school.

Nakakatamad pero kailangan gawin.

Bigla akong nakatulog.

"Ayaw mag break steph" Sabi niya sakin.

Parihas kaming kinakabahan.

"Mababanga tayo! Itabi mo sa may puno!" Paiyak kong sabi ko sa kanya.

"Gumawa ka ng paraan" sabi ko habang tumingin sa likod ng sasakyan baka sakali may makatulong samin.

Wala na sa linya sa daan ang sinasakyan naming sasakyan.

"May malaking truck!" Sigaw ko.

Habang siya gumagawa ng paraan upang sa gilid kami ng daanan mabangga.

Pauwi kami galing kami sa mama niya.

Bumubusina siya upang malaman nong driver ng truck na nawalan kami ng control.

Pero parang di kami narinig kaya nong papalapit na yong truck.

"Nick!!!!!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ko.

Ramdam ko yong pagkabungo namin.

Nahihirapan akong huminga.

Napasubsob pala mukha ko sa harap ng kotse sa front seat.

Ang sakit ng noo ko. Hinakawan ko ang aking noo.

Nakita ko sa aking mga kamay na may bahid ng dugo.

Gusto kong umiyak.

Naisip ko si Nick.

"Nick" Tawag ko kaso walang sumasagot.

"Nick" tawag ko uli.
Pero wala na namang sumasagot.

Napalingon nalang ako sa gilid ko.

Yong mukha niya nasa manobela ng kotse.

May dugo ang kanyang ulo.
Tas kita ko kong gaano ka basag ang salamin ng sasakyan at yong mga basag halos napunta kay Nick.

"Nick" Umiiyak na tawag ko sa kanya.

Hinarap ko ang kanyang mukha sakin.

Nakapikit ito at walang malay.

"Nick? Gising." Sabi ko kasi kinakabahan na ako.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at kinuha ang pulso kaso diko maramdaman.

"Nick. Gumising kaIyak na tawag ko.

Diko kayang mawala ka Nick kaya gumising ka.
Kailangan mong gumising.

May mga pangako tayo, na sabay tayong tatanda at mamatay kaya kailangan mong gumising.

Nilagay ko ang dalawang daliri ko sa may leeg niya.

Walang tumitibok.

Walang tumitibok.

Wala! Wala! Wala! Wala!.

Napabuhos ako ng luha.

Iyak ako ng iyak.

"Nick!" Iyak kong tawag sa kanya.

Hindi mo ako pweding iwan.

Hindi pwedi.

Mahal mo ako diba? So lumaban ka!

Lumaban ka para sarili mo!

"Nick!" Malakas tawag ko sa kanya sabay pagbuhos ng aking mga luha.

Nanghihina na ako, anytime pwedi na akong mawalan ng malay.

"Nick" Huling tawag ko sa kanya.

Napamulat bigla ang aking mga mata mula sa pagkagising.

May bahid ito ng luha sa bandang pisngi ko.

Umiiyak ako?

Bigla kong naalala ang aking panaginip.

Si nick.

Mahina kong sabi na may halong kalungkutan.

Pati ba naman sa panaginip?

Please lang.

Kinuha ko ang aking cellphone sa may gilid ng aking kama.

Pag tingin ko sa oras.

9:30 pm na.

Mahaba haba pala tulog ko tapos wala pa akong kain.

Hindi pa naman ako gutom kaya okay lang din yon.

Author's Note:

Thank you for reading. Please vote po and share this story if you want. Thank you.





So,WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon