Naisipan na namin ni Mica na umuwi baka maghanap pa to ng gulo rito.
Pero sayang at diko manlang na kasama kahit saglit si Steph. Miss na miss ko na siya.
"That girl" bulong na inis ni Mica pero rinig na rinig ko pa rin.
"Nick may sasabihin ako sayo" Humarap ako sa kanya at naghihintay sa sasabihin niya.
"Mangako ka sakin Nick, alam mo naman siguro na ayaw kitang mawala, ayaw kitang may mang-agaw sayo. Alam mo yon diba? Mahal na mahal kita Nick" Seryoso niyang sabi sakin.
Napatahimik nalang ako at hindi alam ang gagawin. Nakita ko nalang na naluha na ito.
Inabutan ko siya ng panyo.
"Nick please. Wag kang magpaagaw please. Kung may nagustuhan kang iba, sabihin mo lang sakin anong meron sa kanya at bakit mo siya nagustuhan Nick" tuluyan na siyang luha.
"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag mawala ka" minsan rin may pagka madramang side rin si Mica.
"Hindi naman ako magpapaagaw Mica, Unless kong mahal ko pa yong tao o mahal ko yong tao. Wala kang magagawa kong magmahal ako ng iba. Wag kang magsalita ng tapos. Hindi ako ang buhay mo Mica, tsaka may iba pang deserving para sayo. Para malinaw sa ngayon Mica." Sabi ko sa kanya.
"Ano yon?" Tanong niya sakin.
Huminga muna ako ng malalim.
"I learn to love you and I'm sorry mahirap kasi, mahirap pag may meron pang basag sa puso ko. Alam mo Mica you're very sweet but I don't like your attitude" Saad ko.
"Kung attitude yong problema sakin Nick, kaya kong mag bago para sayo. Nick basta wag mo lang akong iwan. I'm begging you" Napaluhod na siya sa harap ko. Buti nalang walang ka tao tao rito.
"No mica. Don't beg. Babae ka, be like them. I educate you please. Kong ayaw na sayo wag kang makipag siksikan at wag kang desperada" Ani ko. Habang tinatayo siya.
"Nick!" Bumuhos na lahat ng luha niya.
"My dad is just using you Mica at alam kong mali yon. It's better na rin na malaman mo ngayon" Sabi ko sa kanya.
Napatigil suya ng iyak at nagtatanong ang kanyang mata.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.
"I still love my ex Mica" Simula ko.
"Yon ba yong babae na kasama natin kanina sa restaurant? Nick naman kong ex na ex na. It's already over" Di makapaniwalang tanong niya.
"And mica, hindi lang sa liver may sakit ako. Alam mo naman siguro yon. Pumapayat na ako ng lalo Mica, Ang putla ko na Mica, kahit anong lagay ko ng lipstick Mica hindi parin tumatalab. Mica look at me!" Kinuyog ko siya habang naiiyak na.
"Look at me! May sakit ako sa puso Mica. Kita mo tong sa batok ko Mica! Hinay hinay na itong nalalagas. Kaya Mica, please bitawan mo na ako. Ayaw kong pati ikaw masasaktan. Kaya ko siya hinihiwalayan Mica kasi ayaw ko siyang masaktan mahal na mahal ko siya. Kaya please lang ako ang magmamakaawa sayo" Saad ko habang naiyak kaming dalawa.
"Nick." Di niyang makapaniwalang narinig sakin.
"Kaya please lang lumayo kana" tumalikod ako at naglakad.
Habang naglalakad ako ay biglang umiikot paningin ko at hindi makabuka ang aking bibig.
Hindi ko alam anong nangyari sakin ng biglang nagdilim na ang aking paningin.
"Nick!" Rinig kong sigaw ni Mica at tuluyan na akong nawalan ng malay.

BINABASA MO ANG
So,Why
General FictionThey meet in a unexpected way, They talk, they laugh, they spend till the sun will rise again. She's so in love. She want to be with him forever but she left alone lying on those torn roses in bed. She expect that he came back. Would she accept him...