Chapter 13

13 2 0
                                    

Kasama ko ngayon ang mag jowang si Ryan at Samwela dahil ipapakilala raw ni Princess yong maging tatay ng baby niya.

Good kasi papanagutan siya ng lalaki and willing na magsasama sila habang buhay.

Sana he won't break his promises kasi makaisa siya sa suntok namin.

"Bawal PDA po" bulyaw ko sa dalawang couple ko sa harap.

Inaantay pa kasi namin si Princess at nasa isang fast food chain kami.

"Respeto. Single here" Sabi ko at tumawa lang sila.

"Magka jowa kana kasi" Saad sakin ni Samwela.

"Gusto ko magkajowa pero not now. Di pa ako jowang jowa no" Sabay nguya ng fries.

"May ibubugaw ako sayo Steph" Sabi ni Ryan.

Mama mo bugaw.

Ano? Arabo lang ang peg.

Hangal! Damay pako.

"Wag na. Study first" Sabi ko sabay tawa.

Eh sa ayaw kong magkajowa.

"May crush ka babe?" Tanong ni Samwela.

Well.

"Unfortunately, Wala. " Sagot ko.

Eh sa wala naman talaga. Di pako ready kiligin, maging marupok or what.

Sometimes nafefeel ko din na naging mandhid na ako.

Hirap kaya.

"Wala" Simpleng sagot.

"Weeeeeee?" Di makapaniwalang sagot niya.

Pokpokin kaya kita Samwela.

Gusto mo yon? Kasi gusto ko yon.

"Walaaaaa ngaaa" Saad ko.

"Weeee?" Ulit niya.

"Kulit ng lahi mo, sabing wala" Kunwari irita kong Sabi.

Eh sa wala naman talaga.

Pinipilit nito!

"May isa pang tao dyan sa puso mo na di mo malimot- limutan kaya't di mo pa kayang sumubok uliSeryosong sabi niya.

Very accurate.

Ayaw ko pa palitan si Nick.

Kahit siya palit ng palit ng babae.

Hirap kasi pero gusto ko talaga siyang kalimutan din.

Kailangan yon hindi pwedi na magkakaganito lang ako sa tanang buhay ko.

Nakaka useless yon.

"Try mo kasing magalit ka" Saad ni Samwela.

Anong klaseng galit? Araw araw galit naman ata ako.

Hindi charot lang.

"What do you mean magalit?" Tanong ko sa kanya.

"Like, Gawan mo siya ng kinakagalit mo para mas mapabilis mo siyang kalimutan." Sabi niya.

Like how?

Like? Magagalit ako kung bat niya ako iniwan? Bat niya ako pinagmukhang tanga!

Like bakit kailangan mong gawin yon kung mahal mo naman pala ako, Like bakit mo ginawa sakin to para saktan ako?

Ganyan bang galit?! Kasi ang hirap!

Ang hirap magalit sa isang tao na ang pinapakita sayo ay puro kabaitan!

Ang hirap hanapin yong bagay na pwedi mong ikakagalit sa kanya para lang makalimutan siya.

Ang hirap!

Hindi ko namalayan napatulo na pala ang luha ko.

"Oy babeee wag kang umiyak" Sabi niya sabay punas sa pisngi ko ng tissue.

"Alam kong nakakasawang pakinggan tong mga bagay nato. Sorry kong napaka bitter kong tao. Tinatry ko naman siyang kalimutan pero hindi pa sa ngayon. Hindi naman kasi madali lalo na pag minahal mo talaga" Naluluha kong sabi.

Tama naman ako ah, Nakakasawa namang pakinggan kong ang bukam bibig mo ay siya.

Sana itindihin niyo muna ako sa ngayon.

Hindi kasi madali sakin na kakaiwan lang sayo maghahanap ka kaagad ng iba.

Hirap kasi mag bitiw sa taong may pinapangako sayo.

Hirap umaasa sa taong hanggang salita lang pala.

Sa katunayan, hindi ko pa alam kung bakit niya ako iniwan, bakit siya humanap ng iba at hindi ko alam na wala na pala kami.

Hindi ko pa alam side niya, ni wala kaming closure.

Binilock namin ang isa't-isa kaya hirap maka tyempo upang kami ay  mag uusap.

At sinasaisip ko din baka wala akong kwentang kausap.

"Wag mag-alala magiging okay din ako" Ngiti kong sabi.

"Oh, siya ang drama" Sabay tawa ko naka tingin lang sila sakin na may malungkot na mukha.

Ito talaga ang pinaka ayaw ko sa lahat ang kaawaan ako.

Ang tignan akong kaawa-awa.

Magiging okay din ako. Someday may papalit rin sa kanya dito sa puso ko.

Someday that guy, I will threat him well para hindi niya ako iwan.

Pero I threat him naman din well pero kulang pa ata.

Madami ata akong pagkukulang.

Napakain nalang ako ng burger nagugutom pa ako.

I will entertain my self so that mapabilis ko siyang kalimutan.

Gusto ko ng kalimutan lahat, pati sakit.

PS:
Credits sa line na to my dearest purang Shiela.

"Try mo kasing magalit ka"

"Like, Gawan mo siya ng kinakagalit mo para mas mapabilis mo siyang kalimutan."

Author's Note:  Thank you for reading. Salamat ng marami. Please paki vote ako hihihihi.

So,WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon