Kabanata 13
Saturday
Nakumbinsi ko si Kuya Levi tungkol sa pakikipagkita, kahit saglit sa mga Castanier sa Linggo. We also go to church but there are times when we leave for Bacolod and spend our Sundays there. Kaya ngayon, si Mommy at Daddy lang ang gagawa no'n, nagpaiwan kaming dalawa ni Kuya sa isang excuse na kikitain ang mga kaibigan.
I am praying diligently not only during the mass but also on random times of the day. Nakinig din naman ako sa homily ng pari. You can always do two things at once, anyway. Like... listening and watching someone from afar?
Magkahawak kami ng kamay ni Kuya Levi ngayon para sa kanta. Kumakanta ako pero ang mga mata'y gumagala ng kaunti bago pumikit at niyuko para respetuin ang ginagawa.
Kung kasama namin sina Mommy at Daddy, baka nasa harap na kami nakaupo. Pero dahil kami lang naman ni Leandro at sina Reynante at Manang Lupe, nasa gitna kami. A perfect place to watch the Castaniers and Anais beside Leandro, holding his hand, for the same prayer song we are all singing.
Namilog ang mga mata ko nang sa huli'y dapat bitiwan na ang mga kamay, medyo nagtagal ang pagkakahawak ni Anais kay Leandro. Kuya Levi looked at me suspiciously. Mabilis din akong nakabawi at kinalma ang sarili, nag concentrate na lang sa harap.
Tapos na ang misa nang sinabihan ni Kuya Levi si Manang Lupe at Reynante na kakain kami ng lunch sa isang malapit na cafe. Iyon ang napagkasunduan namin. Tinanggap ko na rin na hindi ko maitatago ang kabuuan ng usapan namin ni Leandro kay Kuya Levi kaya handa naman ako sa isasagot kung sakaling magtanong.
"Sasabay ba sila, Chayo?" si Kuya Levi na agad nabawi ang anyaya sa akin nang nakita ang mga kaibigan sa harap.
"Levi!" Anais called merrily.
Anais is pretty today with her hair down and curly, a sweet floral dress and a designer sling bag. Sabay ang tatlong lumabas sa simbahan at sinuyod ko ang likod nila para sa chaperone o kahit driver lang ni Anais pero wala akong nakita.
So my plan for Leandro yesterday was to ask Anais for lunch today. Hindi ko sinabing magsisimba sila dahil ayaw kong sinasama niya sa pagsisimba ang babae kaya lang, hindi na napigilan dahil nagkita sila ni Anais kanina pa lang papasok sa simbahan!
"Oh! Hi!" Kuya Levi.
Ang sinabi ko kay Kuya kahapon gusto kong isama si Chantal sa lunch. He probably expected to see Leandro as well, pero ngayong nakita niyang kasama si Anais, nadagdagan pa kami. However, that was not what I've initially planned for Leandro. They will not be joining us! I regret that plan now. Paano ko nga ba siya mapapayuhan kung hindi kami magkasama?
"Saan kayo?" si Anais.
"Ah. Sabi kasi nitong si Chayo na nagkasundo raw sila ni Chantal na maglunch diyan sa bagong open na cafe."
"Oh! Ayan din yata ang pupuntahan namin ni Leandro."
I saw Kuya Levi's eyes widened, followed by a smirk as he looked at his friend. For some reason, I didn't like his reaction at all. Para bang sa kauna-unahang pagkakataon sa mahabang pagkakaibigan nila, ngayon niya lang nakita si Leandro na dumiskarte ng babae. Of course, that can't be true.
"T-Talaga?" natatawang sabi ni Kuya habang nakatingin kay Leandro.
Leandro glared at me for a few moments. I then looked at Chantal to smile.
"Kung gusto n'yo, sabay na kayo sa amin. But of course, iba kayo ng lamesa."
Anais chuckled. "Ayos lang, Levi."
BINABASA MO ANG
Against the Heart (Azucarera Series #1)
RomanceCharlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all - friends, popularity, riches, boys. But well, maybe, not all. May madilim na lihim ang kanyang pamilya. Isang bagay na hindi inaasahan para...