Kabanata 36

924K 39.8K 36.5K
                                    

Kabanata 36

Yes

Nakaupo ako sa driver's seat, tahimik at nakayuko. Nasa front seat ang mga bulaklak na ibinigay niya at ang susi ng aking sasakyan ay hawak niya habang nakaabang siya sa mismong pintuan sa gilid ko.

"H-Hindi ka ba sasali roon sa kanila?" sa maliit na boses kong tanong.

"Uuwi ako kapag nahatid na kita."

"Paano sina Kuya? Mag iinuman pa kayo."

"Magkasama kami kanina pa. Ayos na 'yon. Magkikita pa naman kami sa susunod."

"Kung ganoon, paano kung dito muna ako?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. It took us a long while before this talk. Tahimik lang siyang nakatayo sa bukana ng aking sasakyan samantalang tahimik din akong nakaupo roon.

"Dito na lang din muna ako," napapaos niyang sagot. "Do you want to be with your friends?"

Ayos na ako. Puwede nang umuwi pero baka nga naman magtampo ang mga kaibigan. I can't remember if I denied Leandro's courtshio or not but I can only imagine their conclusions now. Napatingin ako sa bulaklak sa tabi ko. Hindi ko kailanman naisip na makakapagbigay si Leandro ng bulaklak kahit kanino. Wala naman kasi sa itsura niya. I know they all think the same judging on the look on their faces when they saw him.

"Saglit lang," sabi ko.

"Then let's go. I'll let you be with my friends while I'll be with mine. Magsabi ka kung gusto mo nang umuwi na tayo."

We can also just go home. That idea is not that bad. And he'll call me so we can talk all night. But that would be unfair to Kuya Levi... and my friends, too.

"Sige."

Tumahimik ulit nang bumalik kami. My keys are with Leandro. Hinatid niya ako sa tahimik kong mga kaibigan. Halata sa mga mata ni Nan at June ang malisya. Tahimik din ang ka-batch ni Leandro nang lumapit siya sa kanilang lamesa. Umingay lang nang tumawa si Kuya.

"What. Was. That?" madramang tanong ni June.

"Nanliligaw sa'yo?" si Julius.

"May pa flowers si mayor, ah!" kantiyaw ni June.

Tumawa si Nan. "Is this serious, Chayo?"

"Hindi ko alam na nagbibigay iyong si Leandro ng bulaklak. Sa baskeball dati, may mga kuwentong girlfriend niya raw bago si Keira pero kahit kailan hindi ko 'yan nakita na nanligaw. Paano pa kapag flowers!"

"Halata naman kay Leandro na hindi nanliligaw. Iniisip ko pa lang sa pagbabarko niya, sigurado akong habulin 'yan! Hindi na kailangan manligaw!"

"Tama, Nan!"

"Baka naman nililigawan ka lang niyan para matigil ka sa pagpapaalis sa kanya rito?" si Julius.

"Hindi naman ganoon si Leandro. Grabe."

"We don't know that. May bahay at negosyo na siya rito. Kung paaalisin siya, ang laki nga naman ng mawawala sa kanya."

"Babayaran siya ni Chayo sa pag-alis niya rito, Julius. Actually, mas pabor pa nga sa kanya ang pag-alis niya kaya walang dahilan kung bakit pa siya aayaw."

Mabuti na lang at hindi sila nangulit na. They have their own conclusion. Or maybe, they find it more entertaining to conclude things than to verify it from me.

Masyado nang nagkakatuwaan ang batch nila. Hula ko ay maagang nagsimula ang inuman. Uminom si Kuya pero nararamdaman kong maayos pa siya kumpara sa mga kasama niyang medyo wala na sa sarili. And Leandro, I don't think I've seen him drink. Now. Malay ko kanina sa reunion nila?

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon