Kabanata 34
Touch
I suddenly realized how awkward it must be for Kuya to see me with Leandro. Mabuti na lang at hindi naman siya nagtanong kung bakit kami magkasama. Siguro ay naisip niya na na kinukumbinsi ko iyong umalis sa Altagracia. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kung sakaling tatanungin niya kung bakit kami magkasama. Kasasabi lang ni Leandro na date ito!
"Umuwi tayo ng maaga ngayon, Chayo. I missed you and there's so much to talk about," si Kuya Levi.
Katatapos lang nilang mag kuwentuhan ni Leandro tungkol sa nalalapit na reunion ng batch nila. Nasabi rin ni Kuya na aalis siya kaagad pagkatapos ng reunion dahil may iniwang trabaho. Babalik lang din naman sa katapusan para sa kasal ng isa nilang kaklase.
"Okay. Nakauwi ka na ba bago pumunta sa meeting ninyo? Si Daddy ba... alam na umuwi ka?"
Kuya Levi shook his head. "Dumiretso ako sa meeting, Chayo. Hindi ako nagsabi kahit kay Manang Lupe."
I'm speechless. I can only imagine Daddy's happiness if he knew that Kuya is back home. Sigurado rin ako na aasa si Daddy na maninirahan si Kuya rito ngayong nagbalik siya pero malulungkot na aalis din siya agad. But then he'd appreciate his presence more than his coming leave.
"Ikaw, Leandro? Pupunta ka pa ba sa meeting pagkatapos dito?"
"Hindi. Uuwi rin ako," si Leandro.
Nag ngising-aso si Kuya nang tumingin kay Leandro.
"Talaga? Inaasahan ka nina Jenna roon. Hinahanap ka nga, e."
Napatingin ako kay Kuya, medyo kuryoso na hinahanap pala si Leandro sa meeting na iyon. Gaano ba siya ka importante at hinahanap talaga siya?
"Daming naghahanap sa'yo roon na grupo nila. Nagsasabi nga'ng bibisitahin ka sa inyo one of these days. Kinuwento nila sa akin na may malaking bahay ka na raw at gusto nilang bumisita roon. Naku, ang dali-dali na tuloy mag-uwi ng babae ngayon, ah, dahil may bahay ka na?"
Nagkatinginan kami ni Leandro. I sipped on my water and stayed silent.
"Hindi ako interesadong magkaroon ng babae, Levi."
Humagalpak si Kuya at binalewala ang sinabi ni Leandro nang bumaling sa akin. "Ikaw, Chayo? Kumusta iyong boyfriend mong laging itinatawag sa akin? Hindi ka pa rin makatulog dahil doon?"
"K-Kuya?" muntik ko nang maibuga ang ininom na tubig.
"Si Julius!"
"Hindi ko boyfriend si Julius, Kuya."
"Ah? Hindi mo pa ba sinasagot? Akala ko sasagutin mo na?" he looked at me dead serious.
"Naku, hindi!"
Mabuti na lang at hindi kami nagtagal. Sino ba naman kasi ang magtatagal kung ang laging bukambibig ni Kuya ay ang pagod niya. Kung hindi tungkol sa mga manliligaw ko ang topic, lagi namang niyang binabanggit na ang sarap nang magpahinga. Leandro was then silently watching us and answers only when asked by Kuya Levi.
"Ang sakit ng ulo ko. Ang sarap nang matulog pero siyempre, mag-uusap pa tayo mamaya sa bahay, Chayo. Gusto ko na tuloy umuwi."
Nagdesisyon kami ni Leandro na umuwi na. Ihahatid niya ako, gaya ng ginagawa niya madalas. Narinig iyon ni Kuya Levi at akala ko biglaan siyang magtatanong kung bakit pa ako ihahatid o sasabihin niyang huwag na dahil nariyan naman siya pero hindi. He stayed silent or maybe he didn't really hear it much.
Nauna ang sasakyan ko, kasunod ang SUV ni Kuya, at sa likod niya, kay Leandro. Eventually, I became very busy that night because of my brother's arrival.
BINABASA MO ANG
Against the Heart (Azucarera Series #1)
RomanceCharlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all - friends, popularity, riches, boys. But well, maybe, not all. May madilim na lihim ang kanyang pamilya. Isang bagay na hindi inaasahan para...