Kabanata 19
Leave
Nauna si Leandro sa Ruins. Humigpit ang hawak ko sa sling ng bag nang nakita ko siyang palapit sa akin.
Hindi ako sigurado kung bakit pero pakiramdam ko, ngayon ko lang siya lubusang nakita. He's tall. I noticed that before but not in this sense. He's wearing a dark maong pants, white sneakers, and a gray vintage plain t-shirt. His serious expression made his eyes darker. There is an unfamiliar and foreign air around him so potent at first glance. Hindi ko alam kung ano iyon. But whatever it is, it has cost me to push myself to inhale more and swallow hard.
I stared at him in loving awe, with the knowledge that... this might be the last I could own him, through my eyes.
"Kumain ka na?" his smoky voice made me smile.
Then I wonder hard if I could ever like another with the same intensity? Iyong tipong ultimo isang galaw niya, gusto ko. Paglalakad niya pa lang, namamangha na ako.
"Oo," namamaos ako. "Ikaw?"
Tumango siya. I sucked a deep breath as his grim expression surveyed me. I glanced at his hand. Bago ako lumakad at nagpatuloy, sumagi sa akin ang kagustuhan na hawakan iyon. Even for the last time, Chayo. Please.
I exhaled whatever it is that I am feeling and ignored the thought.
"Mamasyal muna tayo," sabi ko at nilagpasan na lang siya, nanatili ang mga kamay sa sling ng bag.
Sumunod siya sa akin. Habang tinititigan ang malawak at berdeng bakuran, pilit kong inisip ang mga bilin ko sa kanya para mamaya. We can't just go on and walk around without a topic about what will happen today.
Palapit na kami sa mga halaman malapit sa fountain at didiretso na sa natatanaw na look at hindi ko pa rin naayos ang iniisip. Bahala na!
"Mamaya... mag-uusap kayo ni-"
"Hindi natin pag-uusapan ang mangyayari mamaya, Chayo," he cut me off.
I stopped walking and then looked at him. Nagulat ako sa mariin niyang sinabi.
"Huwag mong sabihin na sa buong dalawang oras natin pag-uusapan ang tungkol mamaya?" he tilted his head in question.
Agad-agad sana akong sasagot pero bahagya akong nag-alala. He thinks Keira will be here by eleven. Truth is...
Tinalikuran ko siya, takot sa gustong sabihin. Wala akong magagawa. Kung maghihintay ako ng alas onse bago ko sabihin sa kanya, baka mainip na siya at magalit pa sa akin.
Wooden benches in front of what seems like a man made lake or river were lined up cleanly. Hindi gaanong mainit at dagdagan pa ng lilim ng isag palm tree. Umupo ako roon. Dahan-dahan din siyang lumapit at naupo sa kabilang gilid ng bench. Nakatanaw ako sa tubig habang siya'y bahagyang naka anggulo ang katawan sa akin, nakatitig, tahimik.
"Uh... Leandro."
Nilingon ko siya. His eyes remained grim as he looked at me.
"Alas tres pa ang punta rito ni Keira," tinawanan ko na lang ang sarili lalo pa dahil napansin ko ang gulat sa kanya. "A-Actually, sinadya ko na maaga tayo rito para sana pag-usapan ang mangyayari mamaya kaso... sinabi mong alas nuebe. Hindi ko na nasabi sa'yo ang naunang plano ko."
Nanatili siyang tahimik at nakatitig sa akin. Uncomfortable and scared that he's pissed, mabilis kong sinusulusyunan.
"B-But we can text her to come earlier, instead? Kung gusto mo, itext natin ng alas onse o kahit ala una-"
BINABASA MO ANG
Against the Heart (Azucarera Series #1)
RomanceCharlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all - friends, popularity, riches, boys. But well, maybe, not all. May madilim na lihim ang kanyang pamilya. Isang bagay na hindi inaasahan para...