Kabanata 17

809K 30.6K 8.7K
                                    

Kabanata 17

Deal

Sinamahan ko si Mommy isang weekend sa Bacolod. Inakala kong buong araw kami sa Sabado magkakasama mamili o kahit mag check sa ipinapagawang bagong mansiyon ni Daddy sa siyudad. Hindi pala.

"Chayo, I'm sorry. May lakad ako ngayon. Will you enjoy the rest of the day strolling the mall? You have your card with you," she said.

Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para makapag-isip-isip at para na rin makapagplano sa tuluyan kong gagawin para kay Leandro.

"Akala ko magsho-shopping tayo, Mom?"

"Pupuntahan na lang kita mamaya. May appointment pa ako."

Kahit na kay Mommy at Daddy pareho ang asukarera, hindi ko kailanman nakita si Mommy na nagtrabaho o nakialam sa mga desisyon at meetings doon kaya palaisipan sa akin ang madalas niyang pagpunta sa Bacolod, sometimes, she says for business. Sometimes for friends and entertainment.

"Appointment saan po? Kina Tita?" tanong ko dahil minsan, kung kasama ang mga kaibigan, isinasama niya rin naman ako.

"Hindi, anak. Sa... ospital. Just a regular check up."

"Oh. Okay." Tumango ako at ngumiti.

I strolled the mall alone for that day. Namili ng marami kaya pansamantalang naging okupado ang isipan sa mga damit at kung anu-ano pa. My mind flew to other shopping places like Manila or maybe, Hong Kong, to buy more things. Happy to be occupied with something else other than thoughts of Leandro, I can't help but be proud of myself. Umaabot na sa punto na naiisip kong puwede rin siguro siyang kalimutan sa pamamagitan ng pag-alis sa Altagracia.

But all my hopes and dreams faded when I got tired of shopping and took a quick break in a restaurant. Nakaaligid si Reynante at Manang Lupe na nauna nang kumain kanina habang namimili ako. Ngayong mag-isa ako, tumigil sa pamimili, at nagkaroon ng oras na tahimik... Leandro is all I think about.

Seeing some handsome faces my age pass me by, I wonder if I could just forget and direct my attention to someone else interested or even just within my league. Sinulyapan ko ang cellphone na may kanina pang mensahe ni Julius.

Ako:

Sorry for the late reply. I'm shopping here in Bacolod. What are you doing?

Maybe pushing myself to be interested is the best idea. Naisip ko tuloy ang mga pinapagawa ko kay Leandro nitong mga nakaraang buwan. He pushed himself too much to try to forget Keira but he never did. Sana hindi ako umabot sa ganoon para sa kanya.

Napapayag ko siya sa gusto kong mangyari. If that was my being too persuasive or his own interest to really see through things again, hindi ko na alam.

Ilang linggo ko rin siyang kinulit. Ayaw na ayaw niya kasi at lalong ayaw niyang pag-usapan. Nagkaroon na rin ako ng pagkakataong kausapin si Adriano nang hindi niya namamalayan na naniningil ako ng impormasyon.

"It's just all friendship for Keira, Chayo. Magkasama kami sa isang group sa minor subject na kaming dalawa lang ang magkaklase sa grupo kaya ganoon," he shrugged.

Tumango ako.

"Inutusan ka ba ni Levi na tanungin ako?"

Ngumisi ako. "Hindi naman. I was just curious. Some days ago nakausap ko si Keira nang hinanap si Kuya. Humaba ang usapan at napadpad tungkol sa'yo. She was denying you as her boyfriend." Natawa ako. "Even though I see you most days."

Natawa rin si Adriano. "Well, Chayo. Keira is pretty and fun to be with. Pero hindi kami at hindi ako nanliligaw. I'm not gonna lie. I'm interested with her but I have to get to know her more before finally deciding in something more serious."

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon