Kabanata 1
Girlfriend
"Dapat hindi mo na 'yon ginawa, anak..." wika ni Mommy.
Nagsorry si Daddy sa akin pagkauwi namin. He did not reprimand me or anything. He was sorry but I wonder quietly if he was sorry enough to stop it. He hugged me tight for a long time and then tucked me to bed after our dinner.
Ngayon, si Mommy ang bumisita para kausapin ako at sa kanilang dalawa, si Mommy pa talaga ang nagsabi ng ganito?
"Bakit hindi? That girl's Mom is the reason why we are this way now, Mommy!"
Alam kong mabait si Mommy pero hindi ko matanggap na kaya niyang magparaya. Kaya niyang palagpasin ang lahat.
Parehong mayamang pamilya ang pamilya nina Mommy at Daddy. Parehong may pag-aaring malawak na asukarera at magkatabi pa. Mommy was her usual self way back her teenage years and Daddy was a playboy. Is a playboy.
Daddy fell in love with Mommy at sa huli, naging sila nga. Pero siguro, mahirap talikuran ang nakasanayan. Dad was a playboy and maybe playboys never really change.
"Pero hindi kasalanan ng bata, Chayo. Intindihin mo na lang."
"Bakit ako ang iintindi? Bakit hindi siya? Bakit hindi niya intindihin na ayaw ko sa kanya dahil kabit ni Dad ang Mommy niya?"
Hindi nakasagot si Mommy. Nagpatuloy siya sa paghaplos sa buhok ko.
Kung manang-mana si Kuya Levi kay Daddy, sa pisikal na anyo. Manang-mana naman ako kay Mommy. Her pale skin is as creamy as mine. My slim body and face looked like hers. Even my long straight brown hair was from her. Ang maaamong mga mata, ilong na nababagay sa maliit at payat na mukha, thin and pink lips, and a small chin... lahat na. I was the young Rosario del Real. Walang pinagkaiba ang itsura naming dalawa kung titingnan ang mga dating larawan niya.
The only striking difference between us is the attitude. I was then proud to have inherited the del Real's angst and drive. Proud that my attitude was from the great Luis del Real. Ngayon, hindi ko na alam.
"We have the same wallet, that ingrata!"
"Chayo!" saway ni Mommy.
"Si Dad ang nagbigay sa kanya noong wallet, Mommy. And I know that her mother doesn't have work, right? Ginagatasan lang no'n si Daddy! They are poor and now they can afford because of the del Real money! The nerve of her! Hindi lang emosyon ang inaagaw sa atin-"
"Chayo, ang mga salita mo, ha! Hindi ko itinuro sa'yo 'to!" pagbabanta ni Mommy pero sa kalmadong boses pa rin.
Umiwas ako ng tingin, punong-puno ng poot ang batang puso. Hindi na ako nagsalita pero napakarami ko pang gustong sabihin.
Sumugat iyon sa bata kong puso. Kahit pa siguro magdaan ang mga buwan at mawala ang usap-usapan sa bayan na kabit nga ni Daddy ang Mommy ng Ella na iyon, she will forever be my one and only mark of bitterness in that school.
Dalawang araw sa school na hindi ko nakikita si Ella. Hindi naman daw siya absent pero hindi siguro siya naggala sa mga lugar kung saan ako madalas. Dapat lang. Dapat noon niya pa ginagawa 'yan. Dapat noon pa siya umiwas sa akin.
"Manonood ka ba ulit, Chayo?" nangingiting tanong ni Nan sa akin.
Huminga ako ng malalim.
"Wala akong choice. Hihintayin ko si Kuya Levi."
Tuwing Friday ay may intra-school league sila Kuya Levi, bukod sa practice game nila sa piling mga araw. Gustong-gusto ng mga kaibigan kong sumamang manood sa akin. Nakakalapit kasi ako sa players at parehong may crush itong si Nan at June sa halos lahat ng year ng basketball team.
BINABASA MO ANG
Against the Heart (Azucarera Series #1)
RomantizmCharlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all - friends, popularity, riches, boys. But well, maybe, not all. May madilim na lihim ang kanyang pamilya. Isang bagay na hindi inaasahan para...