Kabanata 25

960K 32.5K 11.2K
                                    

Kabanata 25

Warn

Pagkatapos kong tumawag kay Reynante, dumiretso na ako sa bangkong tinutukoy niya. Pagkatapos makausap ang manager doon, umuwi na muna ako para matawagan ang iilan pang mga galamay.

Halos padabog kong nilapag ang receiver pagkatapos ng panghuling tawag ko. Inubos ko yata ang buong hapon para lang sa bagay na ito at habang tumatagal, pakiramdam ko mababaliw na ako.

"Anong sabi, Chayo?" si Reynante kasama ang iilan pang tauhan ay nag-aabang sa kahit anong iuutos ko.

"Iyon na lang muna..." I trailed off, a bit lost in my thoughts.

Tahimik si Manang Lupe na nakikinig sa mga inutos ko sa iilang tauhan kanina. Pare-pareho na silang tumulak para gawin na ang mga ito at ang natitirang sina Reynante kasama ang iba pang tauhan ay naghihintay pa sa idadagdag ko.

"Tingin mo hindi lang 'yon?" si Reynante ulit.

Isang bangko lang ang may account ni Leandro Castanier sa buong Altagracia. Pinapunta na rin namin ang mga tauhan sa malaking karatig probinsiya at siyudad at nakitang wala siyang ni isang account doon. Tumawag na rin ako sa mga bangko kung nasaan ang accounts namin sa Bacolod, wala rin doon. Sinubukan ko sa Dumaguete at wala rin naman doon. Isa lang na account ang mayroon siya at dito lang sa Altagracia.

"Tingin ko," ulit ko.

"Bakit, Chayo? Dahil isang milyon lang ang mayroon sa account? Maaaring naubos na ang pera noon sa pamimili ng ari-arian kaya isang milyon na lang."

I'm now sitting in Dad's office. Ilang taon na rin simula nang tumigil na siya sa pagpunta rito at ako na ang umuupo. Dito ako nagtatrabaho kung hindi dumadalaw sa asukarera.

Ang malawak na opisina o study ay nasa aming bahay. Hindi moderno ang postura ng bahay namin dahil ito'y matagal nang naipatayo pero sa ilang renovation, naging moderno ang interiors ng kuwarto. Ito ang natatanging silid na hindi na halos nirenovate dahil ang disenyo nitong 1800s Italian architecture ay isang bagay na gustong ipreserve ni Daddy... at kahit ako.

May isa pa akong opisina na dati ring opisina ni Daddy. Nasa asukarera iyon at moderno na ang disenyo kasama ng moderno rin naman ang mismong building ng pabrika. I could go there but it's unfair since what I'm doing right now isn't about our sugarmill.

"The money on his account is exactly one million pesos, Reynante. Walang centavo man lang na sobra. Isa pa, he opened it just a month ago. Where did he store his other money, then, noong binili niya ang mga ari-arian? Isa pa, kanina'y may salo-salo sa electrical shop niya, don't tell me he didn't buy the food and all those things? There isn't any single withdrawal at all!"

Alam kong illegal na ang mga ginagawa kong panghihimasok kay Leandro pero kailangan kong malaman kung may magagawa ba ako sa aspetong pera.

Hindi nga utang ang pagkakabili niya sa alin mang ari-arian kaya wala na akong magagawa doon pa lang. Nailipat na rin sa kanya ang titulo kaya hindi ko mapuntahan ang mga dating may-ari. So the next thing I did is to check on his accounts and see if he is already bankrupt or what but now we discover a newly opened account with a million peso on it, no withdrawals, no centavo, just a checking account.

Ibig sabihin!!! May isa o marami pa siyang account sa ibang bangko na wala na sa jurisdiction ko kaya hindi ko magawang makita! Kung may isang milyong impunto siya sa account niya rito sa Altagracia, malamang may ibang account pa siya kung saan may mas maraming pera!

"Hindi na siya makakabili ngayon ng mga grocery sa at kakailanganin dahil inutos mo na sa mga establisyimento sa Altagracia na huwag siyang ientertain," si Reynante. "Pero paano kung bumiyahe siya ng La Carlota? May sasakyan na iyon, kung nakabili nga siya ng mga ganoong ari-arian."

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon