Kabanata 6

937K 32.5K 10.3K
                                    


Kabanata 6

Friends

I can't exactly remember when he started ignoring me, though.

"Hindi ako makapaniwala! Gago rin talaga 'tong ex mo, e, 'no?" si Edu.

Nagsusulat ako ng assignment at nakitang papasok si Leandro sa school. When our eyes met, I was about to wave. Naisip ko kasi na sa lahat ng kaibigan ni Kuya Levi, siya lang ang hindi medyo hindi ko makasundo. Kaya lang, hindi niya ako pinansin, gaya ng dati.

Alam ko namang hindi na talaga kami kaswal na nagkakabatian tuwing nagkikita kami sa school. Pero pagkatapos noong huling birthday ni Kuya, I figured I must smile or wave at him at school, when we meet. Lalo na dahil close sila ni Kuya. It's just so weird to be so close to Adriana and George but not on Leandro.

"Sinong kinakawayan mo?" si Nan, napansin ang napanis kong kaway.

Binaba ko ang kamay na may ballpen at nagsulat na lang. Umiling ako bilang sagot kay Nan bago muling tiningnan si Leandro na ngayon ay mawawala na patungo sa college building.

"Wala naman," sagot ko.

"Lalong tumatagal, lalong gumuguwapo si Castanier no?" si June.

Natigil ako sa pagsusulat. I wonder if they noticed how I tried to be friendly at him.

"Kaso... ang suplado raw!" si Nan, sumang-ayon. "Nagconfess ang pinsan ko sa kanya."

"Sino? Si Aria?"

Napatuwid ako sa pagkakaupo. Nancy's cousin Aria is one of the prettiest of their batch. Dalawang taon ang agwat sa batch nina Kuya Levi at freshmen sa college ngayong pasukan! She'd even pass as the prettiest if Chantal, Leandro's sister, isn't there.

"Sinumbong ba siya sa Dad niya? I mean, although Leandro is a good student, he isn't well-off and isn't your family strict about it?" natatarantang tanong ni June.

Nagkibit ng balikat si Nan. "Hindi ko na alam ang tungkol diyan. Basta narinig ko. Todo iyak daw si Aria sa locker room pagkatapos ng confession, e!"

Intrigued by what happened, nakapangalumbaba na ako. "Paano niya raw ginawa?"

"Friends na naman sila ni Leandro raw dahil kay Chantal. Tapos nilapitan daw niya si Leandro noong mag-isa ito sa library..."

Pa-suspense pang nagku-kuwento ni Nan. HIndi na ako mapakali at gusto ko nang malaman ang susunod!

"Tapos?"

"Gumawa ng love letter si Aria at binigay kay Leandro. Tiningnan lang daw ni Leandro at tinanong kung ano 'yon! Tapos sabi ng pinsan ko, love letter."

"Tapos?"

"Tapos?" I am at the edge of my seat.

"Tapos sabi ni Leandro na thank you. Kinuha ang love letter. At... 'I see you only as my little sister, Aria'."

Parang nalukot ang puso ko sa pagkakasabi ni Nan. Hindi ako makapaniwala. I imagine the pretty and brave Aria crying on the locker room after that. She's pretty and would make a good girlfriend!

"We don't really need the opinion of my uncle, do we? Unless gusto rin siya ni Leandro."

"That's so... painful!" si June na ngumingiwi ngayon.

"Yup. And it's her first attempt to have a boyfriend. Matagal niya na raw gusto si Leandro."

"R-Really?" my heart hurt at that.

"Naku! Mga gaya noon, hindi talaga papasa ang mas bata," si Edu.

Napalingon kaming tatlo sa kaibigan. Syempre iba kapag opinyon ng lalaki kaysa sa aming tatlong babae.

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon