Kabanata 23

836K 32.2K 19.1K
                                    




Kabanata 23

History


"Ma'am Chayo, tawag ka po ni Sir."


Tumango ako dahil kanina ko pa alam na tinatawag ako ni Daddy. Kahit naman sa pagdating ko kanina, naririnig ko na ang pagwawala niya sa veranda at ang maraming namimigil at nang-aalong kasambahay.


"Sandali lang po," sabi ko habang unti-unting hinuhubad ang heels na suot.


Kagagaling ko lang sa Bacolod dahil may mga binili roon at kinita ko rin ang dalawang matalik na kaibigan. Kauuwi lang ni June galing sa kanyang out of the country trip at si Nan man ay bibisita rin sa kanilang farm pagkatapos manirahan ng mahabang panahon sa Maynila. Sinadya ko na dahil ilang buwan na rin simula nang huli kaming nagkitang tatlo at sa loob din ng ilang taon, bilang na lang sa mga daliri ang pagkikita namin.


Ganoon nga siguro kapag tumatanda na at naging mulat na sa totoong buhay. Hindi na gaya noon na lagi'y magkasama kaming tatlo.


After Senior High, sa Maynila nag-aral si Nan at si June naman ay sa Cebu. Gustuhin ko mang mag Maynila rin pero mahirap gawin sa aming sitwasyon.


My father was one of the main suspects of Carlos Castanier's death but he swore he didn't kill him. He wanted to kill him and he could kill him but he didn't. Kalaunan, lumabas din ang katotohanan. Tinakbuhan ni Tito Carlos ang mga tauhan ni Daddy at dahil gabi at maulan iyon, nadulas siya sa isang bangin at nanghina. Nahulog di siya sa ilog sa kasagsagan ng malakas na ulan at dahil sugatan at nanghihina, hindi na naka survive.


Back then, I couldn't even believe Daddy's words, but it was backed up with scientific evidences and testimonies. After it, I still think he did it. Na maaaring pinabugbog niya si Tito Carlos hanggang sa mawalan ito ng malay at pinatapon sa ilog. Gusto ko siyang sisihin. Ang dali-daling isisi sa kanya lahat. Hindi ko nga lang alam kung dahil ba sa panahong nagdaan o sa kaisipang sa huli, ama ko pa rin siya, unti-unti ko na ring tinanggap ang lahat.


Mommy died in the arms of the person she loves. May kaunting kirot sa aking puso, nagtatampo noon, dahil hindi ako naging sapat masiyahan siya sa huling hininga. Hindi kami naging sapat ni Kuya Levi para masiyahan siya na kami ang kapiling niya hanggang sa huli. But like my anger for Daddy, eventually, I have learned to forgive her, too. I love her so much and I miss her every day. Sa iilang taong nagdaan, minsan na rin kaming nakapag-usap ni Daddy ng masinsinan. Alam ko na rin ang mga hinanakit niya at ang mga dahilan. May pagkukulang siya pero siguro wala namang perpekto sa mundong ito.


"Chayo, ilang araw na lang at babalik ka na ulit sa eskuwela, hindi ka nawawalan ng gala," si Daddy isang araw noong College pa ako.


Hindi ko na siya tiningnan. I didn't accepted him in a blink of an eye. It wasn't easy. I didn't know how to revert my feelings and my familial love for him.


"Boring dito, Daddy. Aalis kami nina Jed at may salo-salo sa kanila kasama ang mga kaibigan," sabi ko nang 'di siya nililingon.


"Ang akala ko ba mamayang gabi pa iyon? Umaga pa at baka gusto mo namang kumain muna tayo sa-"


"Boring nga rito, Daddy! Ayoko!" tumaas ang boses ko sa iritasyon at nilingon siya.


Iyon nga lang, nang natingnan ko siya at nakitaan ko ng hilaw na ngiti at pagkakalungkot sa kanyang mukha, parang kinukurot ang puso ko. It was as if he's trying to make it light even when my shouting startled him.


"Pinaluto ko kasi ang paborito mo at..." he smiled sadly again.


Luis del Real is known to be a disciplinarian and strict when it comes to our business but he never was to his children. Simula noong nawala si Mommy, mas lalo lang siyang naging malupit sa mga tauhan at mas lalo ring naging malambot sa akin. Kaya lang galit ako at hanggang ngayon galit pa rin.


Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon