Kabanata 31
Girlfriend
Wala akong naging choice kundi pumunta. I promised to myself I won't stay for long, though. Kung puwede lang hindi na kumain, gagawin ko na talaga.
My friends bugged me for the whole two hours that night. They asked me questions about my relationship with Adriano based on just one date way back in college.
Sa totoo lang, pinaunlakan ko lang si Adriano noon dahil sa lubusang pangungulila. Ngayon, alam ko na kung saan ako nangulila. I thought, somehow, a date with him would fill the void. Dati iyon, noong lito pa ako at madalas kong maalala si Leandro. Hindi na rin naman nasundan iyon dahil hindi ko talaga magawang maging interesado. Lalo pa dahil ang alam ko'y seryoso ang hanap ni Adriano, not just a girl who wanted to explore and see if she can deal with it. I would be bad for him for being undecided all the time.
Nandito na ako kaya hindi na ako kukulitin nina Edu, June, at Nan. Kabado man, pumasok ako sa loob ng malaki at magarang bakuran nina Adriano.
It was a garden party, gaya ng madalas naming daluhan sa ibang okasyon noong bata pa lang ako. It's been a long while since I last visited here and it's evident with the way some of their househelps treated me.
"M-Ma'am Chayo!" ang matandang dati nang kasambahay nina Adriano.
"Hi, Manang Susan! Kumusta po?"
Nasa bukana pa lang ako ng abalang bakuran ay nakita na ako ng mga kasambahay na nagse-serve. Dahil doon, mabilis din akong nakita ng mga panauhin. Kumakain na ang mga tao at ang alam ko'y may naunang maiksing programme bago ang salo salo.
Of course, I wanted my visit to be as short as possible. Matagal akong pumunta, at mabilis lang ding aalis. Hindi ko naman inaasahan na dahil kumakain ang lahat, mas kapansin-pansin ang pagdating ko.
Kinuha ni Manang Susan ang dala kong box na may lamang round cake. Nakakahiya nga dahil kaninang umaga ko pa iyon iniutos kaya nagmamadaling mag bake ang mga kasambahay at ang available na box lang ay isang plain brown box. Wala man lang palamuti sa labas.
"Chayo! Finally!" si Adriano na tumayo pa talaga para salubungin ako.
"Hi! Happy birthday!"
Pinasadahan ko saglit ng tingin ang mga nakaupong panauhin.
Iilang mga long rectangular tables ang nakahilera roon. May mga lights ding nagsilbing tanglaw sa hardin habang kumakain ang lahat. May mga electric candles din sa kanilang lamesa at kahit sa ganoong ilaw lang, naaaninag ko ang mga nakatitig na panauhin habang kumakain.
Madaling hanapin ang mga kaibigan. They are all together, with some of our batches. Hindi ko nahanap ang lamesa nina Leandro pero may palagay akong nasa mas malalaking lamesa iyon malapit sa harap. Hindi ko na iyon malalapitan dahil malapit lang naman ang lamesa. Kumaway si June at Nan sa akin galing sa kung nasaan sila.
"Sir, dala ni Chayo," si Manang Susan na nagagalak.
"Wow! That's so thoughtful of you, Chayo."
The music around was a sweet jazz and it was a bit soft so naturally, Adriano's voice almost boomed the venue. Ngumisi lang ako dahil wala nang magagawa. Nakakahiya nga naman na marinig iyon ng lahat.
"You're so sweet. Ano 'yan? Pampalubag loob sa ilang birthday ko na hindi mo dinaluhan?" pabirong sabi ni Adriano.
"Will you forgive me now because of my homemade cake?"
Tumawa si Adriano at hinawakan ako sa siko.
Akala ko igigiya niya ako sa mga kaibigan ko. Handa na sana akong lumiko at dumiretso sa kanila.
BINABASA MO ANG
Against the Heart (Azucarera Series #1)
RomanceCharlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all - friends, popularity, riches, boys. But well, maybe, not all. May madilim na lihim ang kanyang pamilya. Isang bagay na hindi inaasahan para...