This is the final chapter. My next post will be the epilogue. Thank you for reading my first story for the Azucarera Series. This is an honest and light take on romance I made in between my Costa Leona and my frustration to go back to Alegria. This is different from Costa Leona because it's a different series! Thank you for this opportunity. I hope you like it.
---
Kabanata 40
Altagracia
Tulog, kain, at pahinga lang ang ginagawa ko sa silid. Palaging nagpapadala si Daddy ng kasambahay para makibalita at hindi sapat sa kanya ang bawat tawag na ginagawa paglipas ng isang araw.
The investigation was immediately closed when it was proven that it's the faulty electrical wiring, gaya ng iniisip ko rin. Alam ko na kasi na iyon talaga ang problema ng building naming iyon dahil na rin sa katandaan.
"I wonder if Tito Luis secretly expressed his gratitude for Leandro," si Nan habang tinitingnan ako ng mabuti, nakaupo sa gilid ng kama ko.
When I was feeling better, dumagsa ang mga bisita. Kanina lang bumisita sina Tita Adrina, kasama ang mga magulang ni Nan, June, at Edu. Ngayon naman sila ang nandito.
I sighed at Nan's thoughts.
"Probably. Kahit sino siguro, Nan. Galit man siya sa mga Castanier, may hangganan naman siguro iyon kung ang pinag-uusapan ay ang buhay ni Chayo," si Edu.
"You think he'd still disagree with you and Leandro?" si June.
"Sa galit ni Daddy, baka hindi magbabago iyon," sagot ko.
"Buti na lang din talaga at nakapag-isip ka ng maayos at nakalabas ka pa ng opisina," si Nan. "They said your guards were roving at kung hindi umingay ang fire alarm, baka mas lalong huli na mapansin ang sunog."
"Only forty percent of the files in your offices were recovered. But at least they recovered some. Sa laki ng apoy, akala ko kakalat pa sa mill," si Edu.
Iyon ang pinag-uusapan namin nang narinig ko ang katok sa pintuan. Binuksan ni Manang Lupe iyon at pumasok si Kuya Levi. My eyes widened when I saw Leandro behind him.
Hindi ko alam kung bakit sa ganitong kalagayan, sabik na sabik akong makita siya. Alam kong tinutulungan niya si Kuya Levi sa asukarera at siguro marami silang ginagawa kaya hindi agad nakabisita. I just think too much about him that I can't help but think of his visit, ngayon nandito na siya!
"How are you?" si Kuya Levi na agad dumalo sa tabi ko pagkaatras ni Nan.
"I'm fine, Kuya," sabi ko at bahagyang nilipat ang tingin sa likod niya.
Looking slightly amused and annoyed, he gave a bit of his way for Leandro. Hindi nga lang siya tuluyang tumabi kaya pareho ang layo nilang dalawa sa akin.
Leandro's eyes surveyed me. Tumigil sa bawat gauze na nakita, galing sa aking noo, sa aking braso, at sa aking mga binti. He looked critical, with every graze of his eyes on my wounded skin. Lalong humaba ang katahimikan at bahagyang naramdaman ang tinginan ng bawat nandoon habang ginagawa iyon ni Leandro.
"Thanks for saving me," sabi ko sabay tipid na ngiti.
He stiffened. It was as if I said something unpleasant for him. Naupo siya sa gilid ng aking kama. Kuya Levi cleared his throat.
"Sa labas na lang kami maghihintay," anito.
Sinundan ko sila ng tingin. Panay ang muwestra niya sa mga kaibigan ko sa labas at nauna pa si Manang Lupe at ang kasambahay sa kanila. Nan smiled and waved at me before finally going out. Si Kuya Levi ang huli at nagsarado ng pintuan. Nang naiwan kami, ibinalik ko kay Leandro ang tingin ko. He looked so serious, his eyes so dark.
BINABASA MO ANG
Against the Heart (Azucarera Series #1)
RomanceCharlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all - friends, popularity, riches, boys. But well, maybe, not all. May madilim na lihim ang kanyang pamilya. Isang bagay na hindi inaasahan para...