Ikaapatnapu't anim

4.5K 112 20
                                    

Dear Diary,

Wala nang mas sasaklap pa kung makikita mo siyang may kasamang iba. Ang sakit-sakit ng puso ko!!

Ano bang dapat kong gawin? Paano ba mag-move on? Nadelete ko na ang mga text niya. Nalabhan ko na ang face towel na ginamit niya. Dinelete ko na rin 'yong mga candid picture at pati 'yong ninakaw ko sa fb niya na mga picture niya. Dinelete ko na rin 'yong number niya (sana magka-amnesia na lang ako, memoryado ko pa rin e.) Hindi na rin kami friends sa fb, at mas lalong hindi ko na siya pinapansin kahit na manghiram pa siya ng ballpen.

Pero bakit ganun? Crush ko pa rin siya. Mahal ko na ba siya kaya ako nagkakaganito? Possible ba 'yon?

Ang dami kong katanungan. Wala namang makakasagot.

--- Assunta Meranda

Diary ni AssuMeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon