Ikasiyamnapu

3.6K 86 3
                                    

Dear Diary,

Bati na kami ni Josh. Ang adik ng trip nung tao. Sorry ako ng sorry kahapon pero hindi man lang ako pinapatawad. Nung tinanong ko kung anong dapat kong gawin sabi niya "Date tayo bukas."

Siyempre nagulat ako. Umandar na naman ang kakulitan ng taong 'yon. Kala ko pa naman nakaka-move on na 'yon sa 'kin. Pero dahil guilty ako, pumayag na lang ako. Sabay nga kaming nagsimba kanina, nakita pa kami ni Carlo.

Sayang! Kung kailan mag-isa nang nagsisimba si Carlo, dun pa ako may kasama.

-- Assunta Meranda

Diary ni AssuMeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon