Ika-isangdaan't dalawampu: Wakas?

3.2K 74 34
                                    

Dear Diary,

Okay na kami ni Josh, I mean hindi na ako nasasaktan sa tuwing nakikita ko sila ng girlfriend niya. Siguro nga mas malalim 'yong pagkagusto ko noon kay Carlo kaysa kay Josh na ang bilis kong naka-move on sa kanya. Si Carlo naman, ayun maghihintay pa rin daw sa'kin. Kaya lang wala na talaga akong feelings para sa kanya. Ewan ko ba sa sarili ko! Ayoko na lang muna sigurong magka lovelife, bata pa naman ako.

Tapos mali pala ako. May boyfriend na pala si kuyang 3rd time ko nang nakasabay sa jeep. Oo, boyfriend at Oo third time, nagkasabay na naman kasi kami kanina e.

Talaga rin naman palang nasa unahan pa ang kanila kasi nung nagbayad siya tinanong siya ni kuyang driver kung saan siya bababa. Kaya ayun nalaman kong mauuna nga talaga akong bababa.

Ang sweet din nila ng BOYFRIEND niya! Grabe, sa panahon talaga ngayon kaunti na lang ang tunay na lalaki, malas nga lang na 'yong mga gwapo pa ang lumilipat!

Akala ko pa naman nabighani na ng ganda ko si kuya. Hay naku, napaka-ASSUMERA ko talaga!

-- Assunta Meranda

Diary ni AssuMeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon