Assunta Meranda

3.2K 77 27
                                    

Ilang araw na ang nakalilipas nang matapos ang Diary ni AssuMera at ilang araw ko na ding pinipilit ang sarili kong isulat ito.

Anong ka-echosan na naman ito? Wala. Gusto ko lang magpaliwanag. Bakit nga ba bigla na lang may sumulpot na napaka-assumerang babae sa wattpad.

Sa totoo lang nagsimula ang kwento ni Assunta sa isang trip-trip lang. Sabi ko, total mahilig akong gumawa ng one shot na inspirational, bakit hindi ako gumawa ng inspirational na maraming makakarelate?

INSPIRATIONAL, SI ASSUNTA MERANDA, INSPIRATIONAL?

Yun na nga ang nangyari, nauwi sa kabaliwan si Assunta. Haha

Pero ang totoo kasi sa ending este sa author’s note ko gustong ipakita/iparating kung bakit nga ba nasabi kong inspirational ito. Alam niyo bang kating-kati na ako noon mag a/n, kaya nga nung nakachapter 20 na, hanggang doon na lang sana ‘yon, pero hindi e, dumami kayo, nag-enjoy kayo (yata), kaya lalong tumagal ang kaassumerahan ni Assunta.

Sino bang mag-aakala na aabot ‘to ng Chapter 120? Wala. Kaya eto na magpapaliwanag na ako.

Assunta Meranda. Tingnan niyo, maski sa pangalan AssuMera talaga siya. Kung may Juan Dela Cruz na nagrerepresent sa ating mga Pilipino, may Assunta Meranda namang sumasalamin sa ating mga kababaihan.

Kadalasang nababasa kong comment “Relate na relate talaga ako.”

Bago ako sumulat ng isang entry ni Assunta sa diary niya, iniisip ko muna kung ano nga ba ang kadalasang iniisip nating mga babae sa tuwing umaandar ang pagka-assuming natin. Lahat ng sinusulat ko e iniisip ko talaga kung may makakarelate (pwera na lang dun sa mga sumobrang pag-aassume ni Assunta.)

So nasaan ang lesson?

Ganito kasi ‘yan. Gusto ko lang iparealize na minsan sa buhay natin, naging katulad din tayo ni Assunta. Nagkagusto, nag-assume, nasaktan, nag move-on, pero parang cycle lang ‘yan, tulad ni Assunta kahit na nagmove on na nag start na namang mag assume. Hindi talaga nagtatanda. Aminin, kahit tayo rin, parang nature na nating mga babae ang mag-assume.

SANA LANG, ‘WAG SUMOBRA. BAKA MATULAD TAYO KAY ASSUNTA. BAKA MAGKA PART 4 ANG MIRACLE IN CELL NO. 7.

Kung hindi pa rin malinaw sa inyo ang lesson na gusto kong iparating. Ah basta! Yun na yun.. hahaha. SALAMAT. MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT. Sinuportahan niyo talaga si Assunta hanggang sa huli.

Mamimiss niyo ba siya? Gusto niyo ba siyang bumalik? hehe

Diary ni AssuMeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon