Ikaapatnapu't pito

4.4K 132 15
                                    

Dear Diary,

Namumugto ang mga mata ko kanina nung lumabas ako ng kwarto. Tinanong ako ni Mama bakit daw ako umiiyak. Sabi ko nanood ako ng Miracle in Cell No. 7. Tumango lang siya at pinabayaan ako.

After ng isang oras, lumabas na naman ako para uminom ng tubig. Nagtaka na naman si Mama bakit ganoon na naman mata ko. Sabi ko Miracle in Cell No. 7 Part 2. Bago ako pumasok ulit sa kwarto, sinabihan niya ako ng "Anak, 'wag mo nang panoorin kung may part 3 pa 'yan.Papaiyakin ka lang niyan sigurado."

Buti nandiyan nanay ko, at least napatawa ako kahit isang beses lang ngayong araw na 'to.

-- Assunta Meranda

Diary ni AssuMeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon