Dear Diary,
Naiinis ako! Naiinis talaga ako. Ang sarap bangasan ng maingay na babaeng 'yon kanina sa basketball court. Paano kapag nakaka-shoot si crush, kung maka-tili wagas. Kulang na lang sumigaw siya ng "Go sexy! Go sexy sexy love!" Assumera siya masiyado. Anong akala niya? Dahil sa kanya kaya magaling si crush? Assumera!
P.S Malakas ang kutob kong dahil sa 'kin 'yon. Paano nagkasabay kami kanina nung papunta siyang court tapos nag thank you siya ulit sa ballpen at ang laki pa ng smile niya. Ang dami niyang alibi, makita lang ako before ng game nila. Alam ko namang ako ang lucky charm niya e.
-- Assunta Meranda
BINABASA MO ANG
Diary ni AssuMera
HumorAno nga ba ang laman ng Diary ni Assunta Meranda a.k.a AssuMera?