Ikaanimnapu

4.1K 104 10
                                    

Dear Diary,

Opening ng intrams namin kanina. Siksikan sa loob ng school gymnasium, buti na lang maaga kami at agad nakahanap ng mauupuan. At sa sinabi kong kami, kami nila Dhea at iba pa naming girl friends. Girl friends so isa dun si Angel, at dahil nandun nga si Angel siyempre hindi mawawala si Carlo.

Dyahe lang dahil nasa kaliwa niya si Angel at ako ang nasa kanan niya. Minsan kapag nagkakagulo na sa loob, lalong nagkakasiksikan na skin to skin talaga ang labanan.

Nagtaka lang ako bigla, parang wala na lang sa akin kapag nadidikit ako sa kanya. Parang mahina na 'yong spark na nangyayari sa tuwing malapit ako sa kanya.

-- Assunta Meranda

Diary ni AssuMeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon