Ikaanimnapu't lima

4.1K 110 9
                                    

Dear Diary,

May nakatabi akong babaeng madaldal sa jeep kanina, kausap niya 'yong katabi niya. Alam mo ba 'yong topic? Lovelife! Actually hindi pala lovelife, ang kabitteran pala ni ate.

Iniwan daw siya ng boyfriend niya ng walang reason. Sabi niya pa, 'sa susunod talaga 'yong gwapong-gwapo na pipiliin ko day! Kasi medyo chickboy 'yong hindi'

Aba'y si ate  may gana pang mamili, ako nga 'yong napili ko noon kahit gwapong-gwapo na hindi pa rin napunta sa 'kin. Ang mga babae talaga, dapat hindi na iniisip ang mga ganyang bagay. Ang dapat nilang isipin ay kung paano nila maipapamukha sa mga lalaking paasa o pa-fall na karapatdapat silang mahalin at hindi dapat saktan!

-- Assunta Meranda

Diary ni AssuMeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon