Ikaapatnapu't dalawa

4.5K 123 17
                                    

Dear Diary,

Nagtapat na nga si Carlo kanina. Todo effort pa siya. May balloons, flowers, tarpaulin at pinakanta niya pa ang ilan sa mga kaklase namin na para talagang nanghaharana. Ginawa niya 'yon sa quadrangle  ng school kaya ang raming taong nakasaksi.

Bago dumating sa time na 'yon, nasa loob pa ako ng room namin nakatunganga lang, hindi kasi pumasok 'yong prof. namin. Actually kabadong-kabado na ako nung time na 'yon, walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang gagawin ni Carlo.

After ng ilang minuto, biglang nagkagulo sa labas. Nagsisigawan at nagtatakbuhan na 'yong mga babae. Naintindihan ko agad kung ano ang nangyayari. Tapos nakita ko si Dhea na tumatakbo papasok sa room sabay hila saming mga kaibigan niyang mga babae.

Nung time na 'yon, naisip kong "Gosh! Ito na 'ata ang sinasabi nilang katuparan ng mga pangarap." Hinila kami ni Dhea hanggang sa nasa quadrangle na rin kami. Narinig ko naman siyang sumigaw ng "Takpan niyo siya! Takpan niyo siya!" Kunwari namang hindi ko alam kung sino ang SIYA na tinutukoy nila, tumalikod pa ako. Napaharap lang ako nang higitin ako ni Dhea at sabihang "Hoy Assunta, tulungan mo kami, takpan mo rin si Angel!" Si Angel. Isa sa mga kaibigan ko, pero mas close talaga sila ni Dhea.

Parang nabingi ako sa oras na 'yon. Parang biglang umikot 'yong mundo at biglang sumikip 'yong dibdib ko. Sa sinabi niyang 'yon e na-explain na niya ang lahat. Para pa akong baliw kanina dahil sinagot ko siya ng "Ha? Eh teka lang na-iihi na ako." Sabay takbo at pumasok sa pinakamalapit na CR. Kung paano ko nalaman 'yong ginawa ni Carlo? Ikinwento na lang nila sa'kin.

Kung umiyak ba ako? Sikreto ko na 'yon.

-- Assunta Meranda

Diary ni AssuMeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon