Ikalimampu

4.3K 121 14
                                    

Dear Diary,

Nagpagupit na pala ako ng buhok. Hanggang balikat ko na lang ang noo'y mataas kong buhok. Sayang din 'yon, mga 8 inches na lang abot na sana beywang ko nun. May bangs na din ako, kung alam ko lang na mas babagay sa 'kin ang may bangs edi sana ginawa ko na noon.

Mas naging mapili na rin ako sa mga ginagamit ko like kung anong facial wash dapat, deodorant, tamang damit at marami pang iba. At kailan pa ako naging maarte? Buti na lang hindi nagtaka si mama, natawa pa nung sabi kong gusto ko ng make over. Sabi pa niya "Ay naku anak sabi ko na nga ba, late bloomer ka lang!"

Compliment ba 'yon o insulto? Maganda na kaya ako noon pa!

P.S Natulala siya kanina nung nakita ako. Ano? Nganga ka ngayon!

-- Assunta Meranda

Diary ni AssuMeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon