Ikalabing-pito

5.5K 124 11
                                    

Dear Diary,

Kasunod ko siya sa pila sa canteen kanina. Ang laki ng ngiti ko nang marinig na 'yong paborito kong pagkain ('yong palagi kong binibili doon) ang binili niya. Alam mo 'yong halos mamatay na ako sa kilig dahil nag-effort talaga siyang bilhan ako?

Napatalikod pa ako sa kanya kasi ngiti talaga ako nang ngiti. Kinalma ko muna sarili ko bago humarap ulit. Pagtingin ko, isang galit na tindera na lang ang naghinintay sa 'kin. Bakit pa kasi ako tumalikod? Hindi naman niya alam na nasa likod na pala niya ako. Baka naghanap na 'yon sa buong campus kanina. Wala pa naman kaming subject na magkaklase after nung time na 'yon. Naawa tuloy ako.

-- Assunta Meranda

Diary ni AssuMeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon