Ikasiyamnapu't isa

3.6K 79 4
                                    

Dear Diary,

Saan kaya ako dadalhin nitong si Josh? Kanina pa kami nakasakay sa taxi at walang imikan. Traffic din kasi. Parang kinakabahan 'tong loko. Sabi ko na lang magsusulat muna ako ng assignment ko baka matagal pa kaming makauwi mamaya.

Si Carlo naman hindi pumayag nung inaya ko kanina. Sabi ko mamamasyal lang kami ni Josh at pwedeng-pwede siyang sumama. Magrereact na sana si Josh pero umayaw din naman si Carlo. Pustahan, selos na selos na 'yon ngayon..

Mas better 'yon. Nang marealize niya na talaga ang worth ko at matigil niya na ang katorpehan niya.

-- Assunta Meranda

Diary ni AssuMeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon