Dear Diary,
Kanina nagkwentuhan kami ng mga kaibigan ko. Aba'y sinabihan ba naman nila akong "Assunta, nagbago ka na, ang seryoso-seryoso mo na. Namimiss na namin ang pagiging assuming mo."
Hindi nga sabi ako assuming noon! Nalalaman ko lang talaga kung may gusto sa 'kin ang tao. Like kung ginagaya niya kulay ng damit ko, nahuhuli ko siyang tinitingnan ako, pasimpleng panghihiram ng mga bagay o kaya pangongopya. At higit sa lahat 'yong pa-gm-gm kuno. Naagawan nga lang ako.
Hindi ko rin sila maintindihan, nagagalit sila noon kapag sinasabi kong ganito ganyan, ngayon naman namimiss nila?
-- Assunta Meranda
BINABASA MO ANG
Diary ni AssuMera
HumorAno nga ba ang laman ng Diary ni Assunta Meranda a.k.a AssuMera?