Prologue: The policyYear:(2421) January
Third Person POV
Malakas ang simoy ng hangin na nanggagaling sa labing-anim na aircon sa malaking Conference Room. Kung pagmamamasdan ang mga taong naroon mas marami ang bilang ng mga babae kaysa lalaki, ngunit hindi lamang basta babae ang naroon kun'di halos lahat ay mga nagdadalang-tao. Nakadamit sila ng maluluwag at mahaba ang manggas. Kasa-kasama nila ang kanilang mga asawa upang gabayan sila. Sari-sari silang nagbubulungan dahilan upang lumakas ito na parang isang sabayang pagbigkas.
Nakapaligid sa kanila ang iilang Androids na tila hindi gumagalaw sa kanilang mga posisyon at taas-noo lamang na nakatingin sa kanilang harapan. Nakaupo rin sila sa mga technical chairs na may kanya-kanyang holograms sa dalawang magkabilang gilid. At kung mapapansin ay puro technologies na ang makikita sa buong Conference Room, wala ka nang makikitang bagay na hindi gumagalaw ng kusa.
*tok!* *tok!* *tok!*
Lahat sila ay natahimik dahil sa pagpasok ng isang babaeng mataas ang takong ng sapatos nitong suot. Pormal ang kan'yang suot at sa unang tingin ay malalaman mong s'ya ang nakatataas. Pero kahit na pormal ang kanyang suot halata pa rin ang pagkakaubra ng lobong tiyan n'ya. Katulad ng iba, s'ya rin ay nagdadalang-tao.
*clap* *clap* *clap*
“Attention everyone!” Nakuha naman n'ya ang atensyon ng lahat at lahat ay nakatutok sa kanya na parang isang mahalagang impormasyon ang ipapahayag niya. Ngumiti s'ya at sumenyas dahilan upang lumiwanag ang buong paligid dahil sa malaking screen sa harapan. Bumungad kaagad doon ang katagang 'Male child policy' kahit hindi pa man pinapaliwanag ng babae ang nasa harapan ay kan'ya-kan'yang bulungan na naman ang bumabalot sa buong silid. Natahimik lamang sila nang pumalakpak na naman ang babae at nagsimula na sa pagsasalita tungkol sa katagang nasa screen.
“Hi everyone!, I want to introduce to all of you the new policy at the year 2421, this policy was suggested of my family and declared by the Official Noble Officer.” Ngumiti s'ya sa lahat at may pinindot na buton para mag slide ang kan'yang presentasyon kung saan nakasaad ang iilang impormasyon dito.
“ONO or Official Noble Officer was provisioned this policy before this event. This policy is for all male babies that will be born in this Generation, while the female babies must be vanished even though abortion will may affect the health of all pregnant women.” Bigla na lamang nagkagulo sa loob ng Conference Room dahil sa balitang tila naging epidemya sa sobrang pagpa-panic ng mga tao lalo na ang mga buntis na naroon. Bago pa man sila makalapit sa pintuan ay naunahan na sila ng babae. Nai-lock na ang lahat ng glass door. Pinakalma sila ng mga Androids at pinaupo ulit sa mga silya nila.
Nang makaupo na ulit ang lahat nagsimula nang magbigay ng instruction ang babae tungkol sa hologram na nasa gilid nila. Ayaw man nilang sundin wala naman silang magagawa dahil una sa lahat sila ay under ng Station GES o kilala sa tawag na God Ends at nasa ilalim ng Death Station Period. Sabay-sabay nilang tinutukan ang paggalaw ng hologram para i-scan ang kani-kanilang tiyan upang siguraduhing walang babaeng isisilang ngayong henerasyon.
Marami ang na-detect na male babies dahil sa kulay luntian na ilaw mula sa kanilang sila. Ngunit may roon pa ring iilang female babies ang na-detect kung kaya't ipinaiwan ito sa loob ng Conference Room at pinalabas na ang iilan para mapabilis na magawa ang aborsyon sa pagitan ng batang babae at sa kanilang ina. Tutol ang mga kalalakihang naiwan kasama ang kanilang asawa ngunit napapayag din dahil sa pangakong lumabas sa bibig ng babaeng nasa harapan.
“Ipapangako namin na hindi malalagay sa kamatayan ang mga babaeng minamahal nyo.”
Kitten_Gray ✍
BINABASA MO ANG
President Who Can't Be Throned (Under Final Revision)
Mystery / Thriller🥈The Disco Book Award 2020 🏅Mystery And Thriller At the year 2421, the current president of the Station GES (Death Station Period) proclaimed Male Child Policy. But the residence of this station protest about it and the time was come that the new...