Chapter 4 Female's year
Kakarating lang namin ngayon sa room, kasama pa rin si Ace dahil ayaw raw muna n'yang umuwi. Dito na rin daw s'ya maghahapunan.
"Hoy! Zairen, ikaw naman magluto lagi na lang ako!" Sigaw kaagad ni Taiku nang makaupo s'ya sa couch.
Ito na naman tayo, magbabangayan na naman ang homo brothers. Hindi na ba sila nagsasawa sa kakasigaw? Ang sakit-sakit kaya sa tenga!
"Anong ako?! Eh ikaw ang naka-assign d'yan! Taga hiwa lang ako!" Ganting sigaw naman nu'ng isa. 'Yung totoo? LDR ba sila? Kung makasigaw silang dalawa akala mo ang layo-layo nila sa isa't isa. Tsk!
"Ako na lang." Lahat sila napalingon sa akin nang magprisinta ako. Si Cyrus na natigil sa kakakalikot sa cellphone n'ya at 'yung dalawang homo na nakanganga na ngayon.
Naagaw ang pansin ko nang tumawa ng mahina si Ace. Ano na namang problema nito? Hindi ko pa kaya nakakalimutan 'yung pagbato n'ya ng bowling ball sa mukha ko.
"Siguraduhin mo lang na pasok sa standard naming apat 'yan ah?" May halong kayabangang anas n'ya. Ako na nga 'tong nag prisinta bakit parang ako pa 'yung makasasama kung pangit 'yung lasa nang lulutuin ko?
Sa totoo lang ah, ano ba talagang nagawa ko? Kasi hindi ko maintindihan eh! Nalipat lang naman ako, wala naman akong kaaway nitong previous year ko dahil tahimik lang naman akong tao. Gaano ba kalaki ang kasalanan ko sa lalaking 'to? Nagkita na ba kami dati at nautangan ko?
Tsk! Nautangan?! Hindi ako nangungutang dahil may sarili akong pera at sa pagkakatanda ko bilang ang mga naging kalaban ko at natusukan ko ng dart sa leeg. At saka hindi ako ang unang nang hahamon dahil ako lang naman ang taga accept ng fight request nila.
O baka naman nang dahil sa elevator convo naming dalawa kaya s'ya nagkakagan'yan. Tsk! Ang babaw naman n'ya! Ako nga ang bilis ko lang nakalimutan 'yun, s'ya hindi maka move-on? Gaano ba naging katagal ang relasyo—este ang elevator convo namin?! Wala pa nga atang isang minuto 'yun eh!
"Wag kang mag-alala, Ace. Kung meron man akong lalasunin dito, ikaw lang 'yun." Hindi ko na muling hinintay ang pagsagot n'ya at agad na akong tumayo para magluto sa kusina.
Narinig ko na lang ang mura n'ya nang nakapasok na ako. Unang pasok ko palang sa kusina nagpalinga-linga na kaagad ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, masyadong malawak ang kusinang 'to.
Pumunta na lang ako sa book shelf na nanduon. Maliit lang iyon at may tatlong recipe book na nandoon, dinampot ko na lang ang nasa unahan.
'ZEN'S FAVORITE DISH'
Basa ko doon, hindi computerize ang pagkakasulat doon dahil hand lettering iyon. Humanga ako sa pagkaka sulat ng bawat letra na nakaukit sa hindi kakapalang librong 'to.
Lalo ata akong namangha nang makita ang theme ng kulay nito, white and gray na paboritong-paborito ko. Inumpisahan kong buklatin ito sa unang pahina.
'My First Favorite'
'Pork Steak'
BINABASA MO ANG
President Who Can't Be Throned (Under Final Revision)
Mystery / Thriller🥈The Disco Book Award 2020 🏅Mystery And Thriller At the year 2421, the current president of the Station GES (Death Station Period) proclaimed Male Child Policy. But the residence of this station protest about it and the time was come that the new...