Chapter 17 Scary Past

113 67 45
                                    

Chapter 17 Scary Past

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 17 Scary Past

Devour's POV

Nagising ako ng maaga dahil ito ang araw na pupunta kami sa bahay nila Ace.  Hindi ko pa kasi sila napupuntahan simula nu'ng makilala ko ang sarili ko, hindi ko alam kung nasabi na ba ni Ace sa kanila o ako pa ang magsasabi sa kanila.

Masyadong mabilis ang araw at weekend na naman ngayon parang nu'ng nakaraan lang nandu'n pa kami sa east station at nagpapakasaya.

It's been three days nang makapasok ang magkapatid sa secret lab at patuloy nilang inaalam ang mga pasikot-sikot sa loob para madali na lang kaming makapasok. Medyo matagal ang prosesong gamayin ang buong sulok ng lab dahil napakalaki pero gayumpaman sinisikap ng magkapatid na gawin ang lahat para mapabilis iyon.

Sa ngayon pahinga muna kami dahil ang plano lang namin kapag nakagawa na ng map ng lab kukuha lang kami ng iba't ibang impormasyon na ilegal para mapabagsak sa pwesto si Mrs. Dellego. Kung matatandaan ninyo mayroon kami nakitang mga papeles na hindi namin kaagad naintindihan dahil schedule ang hanap namin baka sakaling mayroong illegal transaction doon na pwedeng ilaban kay Ms. Dellego.

Kakatapos ko lang mag-hilamos ngayon at kasalukuyang papunta sa dining area para saluhan silang kumain ng almusal.

“Saan daw ang punta n'yo ni Ace?”

“Magde-date kayo? ”

“Pwedeng sumama? ”

Sunod-sunod na tanong nu'ng tatlo sa akin. Wala dito ngayon si Ace dahil nagpe-prapare s'ya sa bahay nila kasi pupunta ako doon. Sumubo muna ako bago sagutin ang mga tanong nila.

“Hindi ko alam kung saan pa kami pupunta eh.” sagot ko sa tanong ni Cyrus.

“Baka makonsidera kong date 'yun.” sagot ko naman kay Zairen.

“Sasama ka sa bahay nila?” balik na tanong ko naman kay Taiku.

“Kila tita Acian lang kayo? Hindi na ako sasama baka magpo-propose na 'yun sa 'yo.” napailing ako sa sinabi ni Taiku. Sa ngayon wala pa sa isip ni Ace' yun dahil alam naman n'ya ang sitwasyon namin, kailangan alerto kami sa mga mangyayari dahil may misyon pa kaming dapat tapusin.

“Nga pala anong ginawa mo kay Mikaella nu'ng monday night? Hindi na s'ya nakalabas ng kwarto mo nu'n eh.” tanong ko naman kay Zairen. Sa ilang araw na lumipas ngayon ko lang naitanong sa kanya dahil busy ako sa kaka-update kay mommy sa mga nangyayari at ngayon lang ako naging free sa katatanong n'ya.

“W-Wala a-ah, H-Hindi ko m-matandaan. ” naiangat ko ang gilid ng labi ko sa pautal-utal n'yang sagot. Naku! 'Yung mga gan'yang pananalita hindi na kailangang pilitin dahil alam na kaagad. Bakit ba 'tong si Zairen eh napakamahiyain kapag mapag-uusapan ang mga ganitong bagay akala mo hindi n'ya ginagawa eh.

“Kelan 'yun?” nagtatakang tanong ni Taiku. Hindi n'ya ba narinig 'yung sinabi ko?

*Pak*

“Aray!” daing ni Taiku nang batukan s'ya ni Cyrus. Napakasadista naman nitong bestfriend ko.

President Who Can't Be Throned (Under Final Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon