Chapter 9 Birthday: Their First Friend and His First Love

197 120 79
                                    

Chapter 9 Birthday: Their First Friend and His First Love

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Chapter 9 Birthday: Their First Friend and His First Love

Northeast-station

5:49 pm

Pinaglalaruan ko ang lollipop na nasa bibig ko habang naglilibot kami sa poultry section. tumitingin kami ng breast part ng manok para sa napili kong handa ko.

"Devour." palihim na tawag sa akin ni Ace. Lumingon ako sa kanan dahil nandoon s'ya.

"Salamat pala dahil dumating ka." pinagmasdan ko s'ya nang sabihin n'ya iyon. Hindi naman s'ya siguro nilalagnat 'no?

"Papabayaan ko ba naman kayo?" I smirked at him before I speak again. "Okay lang 'yun hahandaan n'yo naman ako eh." ngumiti s'ya sa akin dahilan para matigilan ako. Anu ba, Dev?! Nagagwapuhan ka na naman sa kanya?

"Nagagwapuhan ka na naman sa akin." nilihis ko ang paningin ko sa kanya. Ano naman? Umiling na lang ako at humanap ng karne. Hindi ko na nga lang 'to papansinin. Baka isipin n'ya ulit na interesado ako sa kanya.

"Devour, pa'no mo nakilala si Leth?" ayysst nagsalita na naman. Hindi ko muna s'ya sinagot at tahimik lang na nakatingin sa mga manok.

"Hoy, hindi na kita aasarin na nagagwapuhan ka sakin!" bigla akong napalingon sa kanya na naka poker face. Ngumiti lang s'ya sa akin.

"Easy."

"Magkaklase kami ng first year college."napatango-tango s'ya. Nilayuan ko na s'ya at baka magtanong ulit.

Nang matapos kami sa poultry section ay pumunta naman kami sa meat section at bumili ng baboy. Then bumili kami ng pasta. Nag-request kasi ako na carbonara ang iluto hehehe, saka salad na rin.

Napalingon kami kay Zairen at Taiku na may hawak na dalawang red wine at walong beer. May pasok na bukas magpapakalasing pa sila? Bahala sila basta hindi ako iinom.

Nang mabili na namin ang mga dapat bilhin ay pinauna na kami nila Ace at Cyrus dahil sila na daw ang magbabayad ng lahat. Syempre sila ang mayaman eh. Okay na rin naman siguro na makisama ako sa kanila kahit hindi pa gaano kalapit ang mga loob namin. Way na rin siguro ito para mapalagay ang loob ko sa kanila.

***

Apat na lang kaming nandito sa Dorm dahil ipapaalam daw ni Mikaella ang kuya n'ya para sa party ko at umuwi na rin si Ace dahil maghahanda na daw s'ya sa living room nila. Kami naman nila Taiku ay naligo para fresh kaming haharap sa magulang ni Ace. Mga ordinary pa naman kami kaya dapat presentable kaming haharap.

Naging madali lang naman sa amin ang pumunta doon lalo pa't madilim na, pasado ala-sais na kasi ng gabi ngayon at wala ng taong lumalabas o naglalakad.

Nandito kami sa harapan ng bahay nila Ace dahil hindi ako makakapasok ng walang fingerprint. Hinihintay lang namin si Ace para kunin ang duplicate ng fingerprint ng mommy n'ya at ipinasuot sa akin.

President Who Can't Be Throned (Under Final Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon