Chapter 5 Meet Mikaella: A sin girl

587 140 125
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Chapter 5 Meet Mikaella: A Sin Girl

“Biro lang!” Halos lahat ng tao ay nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ng presidente, lalong pa 'tong si Zairen na pinagpapawisan sa pwesto n'ya.

Kahit biro lang ay hindi pa rin maalis sa isipan ko kung paano nagbago ang boses n'ya. Nakakatakot.

“Pero hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon kung may magrereklamo ulit.” Lumapit s'ya kay Mikaella na pinagpapawisan din ngayon, inilalayan n'ya itong bumaba sa stage.

Lumapit naman doon si Ace at Cyrus para alalayan si Mikaella, dinala nila ito sa table naming lima.

“Grabe, kinabahan ako du'n! Akala ko gagawin n'ya talaga!” Anas nito. Hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanya. Kung maganda s'ya sa malayo, mas maganda s'ya sa malapit.

Ibang-iba ang presensya n'ya dahil siguro babae s'ya? Babaeng kaidaran namin. Alagang-alaga ang kutis n'ya at pananamit n'ya. Malinis sa katawan.

“Oo nga eh! Lalo na 'tong si Zairen, kung pagpawisan kala mo s'ya 'yung mamamatay!” nabuntong-hininga na lang ako nang magsimula na namang mang-asar si Cyrus.

“At alam mo ba kanina ka p—”

“Tumahimik ka nga!” Pagpuputol ni Zairen sa kanya, tila nag-iba na ang mood n'ya. Masungit.

“Bakit kasi ayaw mong aminin?” Tanong ni Taiku, nakita ko namang nangunot ang noo ni Mikaella.

“Anong aaminin?” Taka nitong tanong, napatingin kaming lahat kay Zairen na hindi na maipinta ang mukha. Dude pagkakataon mo nang umamin! Nakita kong ngumisi si Zairen sa kanya. Ow no! Mukhang iba ang balak!

“Am'panget mo.” Napanganga kaming lima sa sinabi ni Zairen.

“Ang sama mo!” Lumapit sa kanya si Mikaella at inihampas sa kanya 'yung bag na dala nito.

Hay naku, Zairen! Pagkakataon mo na nga! Ginawa mo pang bato! Sa buong buhay ko hindi ako naging gan'yan ka torpe, wala naman kasi akong nagustuhan eh hehehe.

Napalingon ako sa paligid, ni walang taong nakakapansin sa amin ngayon, walang mga matang nakamasid hindi tulad nu'ng mga nakaraang araw na parang laging may nakabantay sa mga ordinaries at nobles. Kung mayroon bang relasyon na ilegal sa pagitan ng mga ordinaryo at mga maharlika. Nakakatawang isipin na mangyayari ang araw na ito.

“Am'panget mo!” napalingon na naman ako sa dalawang naghahampasan at nag-iilagan.

Bakit ang sweet nila? Hahaha. Dahil sa kakahampasan at ilagan nilang dalawa na papalapit na sila sa pwesto ko.

Pinagmamasdan ko lang silang dalawa nang mapansin ata ni Mikaella ang presensya ko.

“Newbie?” Tanong n'ya kay Zairen. Nagulat na lang ako nang umakbay sa akin si Cyrus. Hulaan ko ipagmamayabang na naman n'ya na bestfriend n'ya ak—

President Who Can't Be Throned (Under Final Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon