Chapter 15 Literally Pleasure: Piggy Bank's Collaboration

150 75 63
                                    

Chapter 15 Literally Pleasure: Piggy Bank's Collaboration

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 15 Literally Pleasure: Piggy Bank's Collaboration

5:54 pm

Inabot ko kay Path ang flowers na binili namin ni Ace kanina nang matapos kaming magpa-serve ng isang cottage for the dinner date of Mikaella at Zairen.

“Pag nakita mo na pumasok na si Mikaella sa cottage pwede ka ng umalis dito sa pwesto mo. Wag kang mag-alala ililibre talaga kita bukas.” paninigurado ko sa kanya, tinapik-tapik ko ang balikat n'ya pumunta naman ako sa kitatayuan ni Zairen. Hindi gaano kita si Path dito sa cottage kaya hindi n'ya malalaman 'yung plano namin.

“Zairen, nakita ko si Path doon may hawak na flowers.” nanlaki ang mga mata n'ya at sinisilip ang bahagyang itinuro ko.

“Tawagan mo na si Mikaella baka maunahan ka pa nu'n.” ganoon nga ang ginawa n'ya, kami naman ni Ace ay pumunta sa isang cottage din. Syempre hindi ko hahayaang palampasin ang pag-amin ng mokong na 'yon kailangan mapanood ko.

“Mukhang effective ang plano mo ah.” anas ng katabi ko, nilingon ko s'ya at pinatahimik. Maya-maya lang ay nakita na namin si Mikaella na papalapit sa cottage at inalalayan s'ya ni Zairen maupo.

Kinikilig ako sa kanila.

Zairen's POV

Ngayon na nandito na si Mikaella sa harap ko parang nakaramdam ako ng kaba hindi naman ako ganito kanina eh. Anong nangyayari sa akin?

“Para saan 'to?” tanong n'ya, hinandaan ko muna s'ya ng mga pagkain sa plato n'ya.

“Gusto ko lang na makasama kang kumain ngayon ng solo.” napangiti s'ya sa sinabi ko at nagsimula nang kumain.

Hindi pa ako naghain ng sa akin kasi gusto ko s'yang panooring kumain. Medyo madilim na pero binibigyan kami ng liwanag ng mga kandila sa gitna ng table namin.

Wala akong pakialam kung mahuli n'ya akong tinititigan s'ya habang kumakain basta ang alam ko lang sigurado na ako na s'ya ang gusto ko.

“Natandaan mo pa ba noong unang beses tayong lutuan ni Zen ng itlog? Sa scrambled egg may pangalan ko, sa sunny side up naman may pangalan mo. Tingin mo sinadya n'ya 'yon?” wala sa sariling anas ko nang maalala ko iyon. 'Yun 'yung araw na nakasama ko sila ni Zen ng solo.

Natawa s'ya nang maalala n'ya ito.

“Tingin ko sinadya n'ya talaga 'yun.” sinalinan ko s'ya ng wine at ipinatong iyon sa tabi ng pinggan n'ya.

“Alam ko noong bata pa tayo marami na tayong hindi pagkakaintindihan na puro maliliit na bagay lang naman. Iniisip ko kasi dati na 'yun lang paraan para mapansin mo ako.” natigil s'ya sa pagnguya at tumingin sa akin.

“Bata palang tayo may gusto na ako sa 'yo. Sabi ko sa sarili ko kapag lumaki na ako liligawan kita. Pero hindi nangyari 'yun dahil inilayo ka naman ng mommy mo sa amin. Nung mga panahong 'yon napagtanto ko na hindi na lang pala pagkagusto ang nararamdaman ko kun'di pagmamahal na.” nakita kong ibinaba n'ya ang kutsara n'ya at nakinig na lang sa akin habang nakangiti.

President Who Can't Be Throned (Under Final Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon